Dapat ipasara ni GMA ang jai alai !
March 4, 2001 | 12:00am
Dapat na sigurong ipasara ni President Gloria Macapagal-Arroyo itong jai alai dahil na rin sa findings ni Justice Secretary Hernani Perez na ginawa itong gatasan ni dating President Erap at P189 milyon ang kinita nito sa mahigit dalawang taon niyang panunungkulan.
Noon ko pa sinasabi na habang dinidinig ang impeachment trial ni Erap, sa jai alai kumukuha ng panggastos ang kanyang grupo sa pangangasiwa ni Atong Ang dahil nga wala ng natitirang pondo ang gobyerno. Ngayon, lumilinaw na tama ang ibinulgar ko sa column na ito.
At sa tingin ko, kayat kampante at sigurado itong si Perez sa kanyang pinagsasabi dahil may insider siya kung paano kumita si Erap sa jai alai. Wala akong duda na may kinalaman dito si Ang, na kasalukuyang nagtatago sa abroad. Di ba may planong gawin state witness ng gobyerno itong si Ang? Kaya ko ito nasabi dahil si Ang lamang, at ang dalawa niyang alipores na magkapatid na Vic at Alex Yu ang may personal na kaalaman sa pamamalakad sa jai alai fronton sa Malate. Isasama ko na ang kanilang dummy na si Val Adriano ng Makati City.
Ang lahat ng daya diyan sa fronton ay pakana ng Yu brothers at may blessings naman ni Ang. Dapat hindi muna pinauwi ang mga Kastilang pelotari dahil marami silang alam sa mga anomalya riyan. Kung nakapagsasalita lamang ang mga Kastilang pelotari sigurado akong putol lahat ng raket nitong mga Yu brothers, di ba mga suki?
Mukhang maging ang liderato ni GMA, ay walang balak na ipasara itong jai alai dahil sa tingin ko nakumbinsi rin sila ng grupo ni Yu brothers na doon na kumuha ng pang-pondo sa kanyang kandidato sa darating na eleksiyon. Pag nagkataon, kawawa ang sambayanan dito dahil walang pakundangan na naman silang dadayain nitong grupo ng Yu brothers.
Ang Yu brothers kasi ang nasa likod na pa-bookies ng jai alai at masiao operations sa Kabisayaan at Mindanao. Limpak-limpak na salapi ang iniakyat sa kanilang kaban kayat namamayagpag na naman sila habang bukas itong jai alai.
At tulad ng ibinulgar ko noon pa, itong si Adriano ang dummy naman ng Yu brothers sa mga bookies. Ipina-fax lang ang taya sa jai alai, lalo na ang panabla sa bahay ni Adriano sa Makati City o sa San Andres, Manila.
Kaya kaliwat-kanan kung magtapon ng pera itong mga Yu brothers at si Adriano sa sabungan dahil sobrang malaki talaga ang kinikita nila sa jai alai bookies at masiao. Kelan kaya ipasara ni GMA itong jai alai para matapos na ang pagyayabang nitong mga Yu brothers at Adriano? Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended