KRUSADA - Kaso ni Kaye Lazaro hahawakan ni Atty. Arroyo
March 4, 2001 | 12:00am
Naaalala n’yo ba ang batang si Kaye Lazaro, na dumanas ng matinding paghihirap bunga ng tama ng isang ligaw na bala sa ulo noong nakaraang taon?
Nanonood lamang ng telebisyon si Kaye kasama ang kanyang magulang at kapatid sa kanilang bahay sa Boyle St., Palanan, Makati City noong Hulyo 8, 2000, bandang alas-9:45 ng gabi nang bigla na lamang siyang bumagsak sa kinauupuang kama. Bagamat nailigtas ang buhay ni Kaye, tuloy pa rin ang paggamot dito dahil sa kaselanan ng pangyayari.
Hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na direksiyon ang kaso, bagamat ang imbestigasyon sa kaso ay nauwi sa pag-aresto sa isang PO1 Redentor Coloma, na diumano’y nagpaputok ng baril habang nakikipag-inuman ng gabing iyon.
Matapos ang panunumpa ni First Gentleman Atty. Mike Arroyo bilang isa sa mga volunteer lawyers ng VACC, ang kaso ni Kaye ay muling mabibigyan ng kaukulang atensiyon sa paghawak niya ng nasabing kaso. Ito ang unang kasong hahawakan ni Atty. Arroyo bilang pormal na pagsapi at pakikipagtulungan nito sa VACC.
Panatag ang VACC sa kakayahan ni Atty. Arroyo sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang isa sa mga kakampi ng mga biktima ng krimen. Gayundin naman ang pagtitiwala ng mga magulang ni Kaye na mabibigyan na rin ng hustisya ang kanilang anak.
Naniniwala naman ako na sa kasalukuyang programa ng Arroyo administration, magkakaroon ng mga pagbabago sa ating sistemang pangkatarungan tungo sa ikabubuti ng kapakanan ng ating mga kapus-palad na mga kababayan. Mabuhay ka Atty. Arroyo.

* * * Ngayong Marso 4 ay kaarawan ng aking yumaong kapatid na si Boboy Jimenez, isa ring biktima ng karahasan noong Disyembre 1990. Si Boboy ang naging dahilan sa krusadang isinusulong ko ngayon matapos ang pitong taong pakikibaka para sa katarungan.. Happy Birthday, Boboy.
* * * Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa akin sa [email protected] o kaya’y sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa tel. No. 525-9126 loc. 13, 20 at 21.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am