^

PSN Opinyon

Mahilig na probisyon

-
Ang huling testamento na sinulat kamay ng namatay ay may bisa kahit ito’y hindi notaryado o sinaksihan ng tatlong testigo. Kinakailangan lang na patunayan ito ng isang testigo na kilala ang sulat at pirma ng namatay. Ngunit ayon din sa batas, kung ang pagka-awtentiko ng testamento ay tinutulan, kailangang tatlo ang tumestigo na nagpapatunay ng sulat-kamay at pirma ng testador. Paano kung dalawa lang ang tumestigo, sapat na bang pagpapatunay ito sa pagkabalido ng testamento. Ito ang naging tanong sa testamento ni Donya Ramona.

Si Donya Ramona ay mayamang biyuda ngunit walang anak. May dalawa siyang legal na ampon, sina Bert at Linda, at si Cristina na hindi legal ang pagkakaampon. Ang pinakamalapit niyang kamag-anak ay si Margarita na kanyang pamangkin, na kumokolekta ng mga renta ng kanyang mga paupahang gusali.

Pagkamatay ni Donya Ramona, may inilabas si Margarita na isang testamento na umano’y nasa sulat-kamay ni Donya Ramona kung saan binibigay halos lahat ng kanyang ari-ariang naiwan kay Cristina at dalawa pang babaing hindi niya kamag-anak — sina Arlene at Gigi. Tinutulan nina Bert at Linda ang pag-apruba sa nasabing testamento. Hindi raw ito awtentiko. Sa pag-apruba ng nasabing testamento, sina Cristina at Margarita lang ang tumestigo upang patunayang awtentiko ang nasabing testamento o holographic will. Sapat na ba ito?

Hindi.
Sa ilalim ng batas, malinaw na tatlong testigo ang dapat magpatunay na ito’y awtentiko. Ito’y mahigpit na inuutos ng batas upang maiwasan ang posibilidad ng pandaraya at pag-iiba sa huling kahilingan ng namatay. Ang pagkakaroon ng huwad na testamento ay hindi maaalis kaya rekisito ng batas ang tatlong testigo kung may tutol sa testamento. (Codoy and Ramonal vs. Calugay et. al., G.R. 123486 August 12, 1999)

vuukle comment

ARLENE

BERT

CALUGAY

CODOY AND RAMONAL

CRISTINA

DONYA RAMONA

GIGI

SI DONYA RAMONA

TESTAMENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with