^

PSN Opinyon

Apela ng Migrante kay GMA

-
Detroit, Michigan – Pagbukas ko ng aking mailbox sa computer, may isang kalatas akong tinanggap mula sa Migrante International. Ito’y isang non-government organization na tumutulong sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.

Panawagan nila ito kay President Gloria Macapagal- Arroyo kaugnay ng libu-libong Pilipino na nakakulong sa iba’t ibang bansa na ang karamihan ay biktima ng ‘‘kawalang katarungan.’’

Sapul pa umano noong panahon ng pinatalsik na President Estrada hindi inaasikaso ng pamahalaan ang mga Pilipinong ito na ang iba’y may sentensiya pang bitay.

Kabilang sa mga tinuran nilang kaso ng mga Pilipinong naghihintay na mabitay sa kasalanang ipinaratang lamang sa kanila sina: Sarah Dematera sa Dammam, Saudi Arabia; Joselito Alejo at Ramiro Esmero sa Riyadh, Saudi Arabia; at Mary Jane Ramiro sa United Arab Emirates.

Ang pamanhik ng Migrante ay magsagawa ng ‘‘diplomatic intervention’’ ang Arroyo government para mapalaya at mapabalik sa Pilipinas ang mga naturang convicts at mabayaran ng kaukulang danyos dahil sa kanilang ‘‘unjust imprisonment.’’

Nananawagan din ang Migrante para sa mahigit sa 1,000 Pilipino na stranded sa iba’t ibang dako ng Middle East.

Noong panahon ni Presidente Ramos, maaalala ko na ang unang Pilipinong nasagip ng kanyang administrasyon sa pagbitay ng pamahalaan ng Saudi Arabia ay isang Christian preacher na si Wally Magdangal.

Ang taong ito’y nasentensiyahan dahil lamang sa pangangaral ng katuruang Kristiyano sa isang bansang Muslim.

Natatandaan ko na ako ang nagsulat ng balitang ito dahil nakapanayam ko ang naghihinagpis na ina ng bibitaying preacher.

Agad namang inaksyunan ito ni President Ramos sa pamamagitan ng pagpapadala ng kalatas sa Hari ng Saudi Arabia na agad namang tumugon at mabilis na pinakawalan at pinauwi ng Pilipinas ang preacher.

Kung kayang gawin ito ng pamahalaang Ramos, pati na ang intervention na nagawa kay Sarah Balabagan, magagawa uli ito sa mga ilan pa nating kababayang nakatakdang bitayin sa ibang bansa lalo pa’t ang mga ito’y biktima ng inhustisya.

JOSELITO ALEJO

MARY JANE RAMIRO

MIDDLE EAST

MIGRANTE INTERNATIONAL

PILIPINAS

PILIPINO

PILIPINONG

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with