Kaugnayan ng protein sa pagkakaroon ng cancer
February 25, 2001 | 12:00am
Sa nakaraan kong column, tinalakay ko ang kaugnayan ng regular diet o nutrition sa pagkakaroon ng cancer. Nagbigay din ako ng mga payo kung paano magiging katamtaman ang pagkain at kung paano maiiwasan ang pagkonsumo ng mga matatabang pagkain. Ngayoy tatalakayin ko naman ang kaugnayan ng protein sa pagkakaroon ng osteoporosis; labis na pag-inom ng alak at paninigarilyo sa pagkakaroon ng cancer.
Maraming scientists ang naniniwala na ang mataas na intake ng protein ay maaaring maging dahilan para mag-stimulate o sumigla ang hormones. Katulad din ng taba (fat) ang protein at ito anila sa dakong huli ang maaaring magbigay-daan naman para magkaroon ng buhay ang cancer. Bihira pa rin siguro ang nakaaalam na ang mataas na intake ng protein ay may relasyon sa pagkakaroon ng osteoporosis. Ang osteoporosis ay ang pagkasira o paglutong ng buto sa alinmang bahagi ng katawan dahil sa kakulangan ng calcium. Kaya nga ba ipinapayo ang pag-inom ng gatas na may calcium.
Ang labis na pag-inom naman ng alak ay nagiging dahilan sa pagkakaroon ng cancer sa atay, bituka, lalamunan at bibig. Ibig kong ipaalam na ang alcohol ay mataas sa calories at hindi ito nagtataglay ng nutrients.
Kung ang isang malakas uminom ng alak ay malakas pa ring manigarilyo, ang panganib niya sa pagkakaroon ng cancer ay mas lalong lumalaki at masakit malamang huli na bago pa malaman na malala na ang kanilang sakit.
Karaniwan na sa mga umuunlad na bansa (gaya ng Pilipinas) ay hindi gaanong binibigyang-halaga ng mamamayan ang pagpili ng mga masusustansiyang pagkain. Nadiskubre ko ring marami sa mga ito ang hindi na pinahahalagahan ang kalusugan at patuloy sa pagkasugapa sa sigarilyo at sa alak.
Inaasahan na sa mga ibinigay kong payo, ay mababawasan na ang mga insidente ng cancer at matutuhan na itong iwasan sa pamamagitan ng tamang nutrition.
Magdiriwang ngayon ng 56th Foundation Anniversary ang Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC). Binabati ko si Dr. Alicia M. Lim, Medical Center Chief II at ang iba pang pinuno ng medical and allied health services na sina: Dr. Maria M. Perez, Chief of Medical Prof. Staff II; Mrs. Elsie Sarabia, Chief Nurse; Mrs. Virginia Benavidez, Administrative Officer V; at si Dr. Roberto Domingo, Chief Coordinator, Training and Research.
Ang mga chairmen ng ibat ibang services ay sina: Dr. Arturo Platon, Emergency Service; Dr. Erlinda Bandong Reyes, Wellnes Program; Dr. Federico Sanchez, Surgery; Dr. Marina Alcalde, O.B.-Gyn; Dr. Juanita Lu-Lim, Medicine; Dr. Eden Latosa, Pediatrics; Dr. Jose Navarro, Neurology; Dr. Lilian Villafuerte, Dermatology; Dr. Nelson Patron, Urology; Dr. Florante Calacal, Orthophedics; Dr. Elisa Valdez, Pathology; Dr. Ruben Cruz, Nuclear Medicine; Dr. Josephine Bondoc, Rehabilitation Medicine; Dr. Joy Ignacio, Psychiatry; Dr. Gil Vicente, ENT-HNS; Dr. Ildefonso Chan, Ophtalmology; Dr. Emelita Umali, Anesthesiology; Dr. Guerrero Legaspi, Radiotheraphy; Dr. Jocelyn Cuyos, Radiology; Dr. Edgardo de Villa, Outpatient; Dr. Ma. Luisa Cuarto, Dental; Mrs. Herculani Lepasana, Pharmacy; at Mrs. Luzviminda Llado, Medical Social Services.
Maraming modernong kagamitan at pasilidad ang JRMMC para sa mga pasyente. Ang mga ito ay kinabibilangan ng: units for endoscopy and laparomy, cobalt machine, simulator and after-loading brachytheraphy, a computerized scanner and a mammography machine. Sa pagdiriwang ng 56th Anniversary, nananatili ang JRMMC sa kanilang matibay na mithiin sa bansa: "Healing the Nation Through Excellence in Health Care".
Congratulations to Dr. Sol M. Reyes who passed the recent examinations given by the Board of Medicine, Professional Regulation Commission. The University of Santo Tomas High School Class led by the Alumni of 1976 had a very successful reunion hosted by Dr. John Nite and Ruth Obligacion Escalon during their Manila Hotel program. Anna Lugtu Poco is the present Board Chairman of their organization. Welcome to Susan N. Stewart who arrived from California to participate in their class reunion. As Hon. Hermogenes Pobre retires as Chairman of the Professional Regulation Commissions, I would like to congratulate him for his outstanding accomplishments, indeed a job well one.
Maraming scientists ang naniniwala na ang mataas na intake ng protein ay maaaring maging dahilan para mag-stimulate o sumigla ang hormones. Katulad din ng taba (fat) ang protein at ito anila sa dakong huli ang maaaring magbigay-daan naman para magkaroon ng buhay ang cancer. Bihira pa rin siguro ang nakaaalam na ang mataas na intake ng protein ay may relasyon sa pagkakaroon ng osteoporosis. Ang osteoporosis ay ang pagkasira o paglutong ng buto sa alinmang bahagi ng katawan dahil sa kakulangan ng calcium. Kaya nga ba ipinapayo ang pag-inom ng gatas na may calcium.
Ang labis na pag-inom naman ng alak ay nagiging dahilan sa pagkakaroon ng cancer sa atay, bituka, lalamunan at bibig. Ibig kong ipaalam na ang alcohol ay mataas sa calories at hindi ito nagtataglay ng nutrients.
Kung ang isang malakas uminom ng alak ay malakas pa ring manigarilyo, ang panganib niya sa pagkakaroon ng cancer ay mas lalong lumalaki at masakit malamang huli na bago pa malaman na malala na ang kanilang sakit.
Karaniwan na sa mga umuunlad na bansa (gaya ng Pilipinas) ay hindi gaanong binibigyang-halaga ng mamamayan ang pagpili ng mga masusustansiyang pagkain. Nadiskubre ko ring marami sa mga ito ang hindi na pinahahalagahan ang kalusugan at patuloy sa pagkasugapa sa sigarilyo at sa alak.
Inaasahan na sa mga ibinigay kong payo, ay mababawasan na ang mga insidente ng cancer at matutuhan na itong iwasan sa pamamagitan ng tamang nutrition.
Ang mga chairmen ng ibat ibang services ay sina: Dr. Arturo Platon, Emergency Service; Dr. Erlinda Bandong Reyes, Wellnes Program; Dr. Federico Sanchez, Surgery; Dr. Marina Alcalde, O.B.-Gyn; Dr. Juanita Lu-Lim, Medicine; Dr. Eden Latosa, Pediatrics; Dr. Jose Navarro, Neurology; Dr. Lilian Villafuerte, Dermatology; Dr. Nelson Patron, Urology; Dr. Florante Calacal, Orthophedics; Dr. Elisa Valdez, Pathology; Dr. Ruben Cruz, Nuclear Medicine; Dr. Josephine Bondoc, Rehabilitation Medicine; Dr. Joy Ignacio, Psychiatry; Dr. Gil Vicente, ENT-HNS; Dr. Ildefonso Chan, Ophtalmology; Dr. Emelita Umali, Anesthesiology; Dr. Guerrero Legaspi, Radiotheraphy; Dr. Jocelyn Cuyos, Radiology; Dr. Edgardo de Villa, Outpatient; Dr. Ma. Luisa Cuarto, Dental; Mrs. Herculani Lepasana, Pharmacy; at Mrs. Luzviminda Llado, Medical Social Services.
Maraming modernong kagamitan at pasilidad ang JRMMC para sa mga pasyente. Ang mga ito ay kinabibilangan ng: units for endoscopy and laparomy, cobalt machine, simulator and after-loading brachytheraphy, a computerized scanner and a mammography machine. Sa pagdiriwang ng 56th Anniversary, nananatili ang JRMMC sa kanilang matibay na mithiin sa bansa: "Healing the Nation Through Excellence in Health Care".
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended