Jimboy Magtalas: Kawawang pasyente

Karaniwan nang inirereklamo ang mga ospital dahil sa hindi pagtanggap ng mga ito sa pasyente kung walang deposito. Subalit kakaiba ang kaso ng pamilya Magtalas na animo’y itinuring na parang mga alipin na inalipusta pa ng may-ari ng Medical Center Manila (MCM) noong umaga ng Feb. 19, 2001.

Personal kong nakapanayam ang mag-asawang Gemma at Henry Magtalas dahil sa ginawang pangha-harass ni Marilyn Ang, head nurse, kasama ang ilang maintenance personnel ng nasabing ospital sa kanilang anak na si Jimboy. Ito ay sa utos umano ni Dr. Paulo Campos, may-ari ng MCM.

Si Jimboy na ang tunay na pangalan ay Jim Grayson Magtalas, 12, ay na-confine sa Room 5542 (single bedroom) ng MCM bago sapilitang inilipat sa Room 8180. Sa nilipatang room ay may lima siyang kasamang pasyente na ang sakit ay medyo nakahahawa.

Alam n’yo naman Dr. Paulo Campos, ang kalagayan ni Jimboy ay delikadong isama sa mga pasyenteng may nakahahawang sakit at kung may konsiyensya kayo, hindi n’yo ito dapat ginawa bilang doktor.

May naamoy ang OK KA BATA! na may hindi magandang balak kay Jimboy kaya ninyo siya inihalo sa mga pasyente ng Room 8180. Kaya ang style n’yo ay bulok! May nagbulong sa akin mula sa Malacañang kung bakit ninyo ito ginawa! Kayo rin.

May kumakalat pang balita Dr. Campos, na-konsensiya ang director ng MCM dahil sa pinipilit n’yong ipa-discharge si Jimboy. Ngayo’y nagbabalak magbitiw ang nasabing director. Saludo ako sa iyo Dr. Asuncion Abaya. Mabuhay ka!

Bilib pa naman sana ako sa iyo, Dr. Campos pagka-first scientist ng bansa at binigyan pa kayo ng award ni dating President Cory Aquino. Dapat sa inyo, e sumama sa grupo ng Abu Sayyaf.

Naoperahan si Jimboy sa appendix noong 1995 bago na-comatose hanggang sa umabot ang hospital bill sa halagang P5,257,727.23.

Dito na nagkaroon ng sunud-sunod na problema ang pamilya Magtalas.

Abangan sa Lunes ang karugtong.

Show comments