Alam nyo ba na ang patola bukod sa masarap ihalo sa nilulutong ulam ay gamot din sa diabetes? Ang mainit na katas nito ay gamot din sa infection ng uterus.
Alam nyo ba na ang pipino bukod sa masustansyang pagkain ay ginagamit na pampaganda? Ang katas ng pipino ay inihahalo sa tubig na pampaligo para gumanda ang kutis. Ginagamit din itong panlinis sa mga galos sa balat. Kapag hiniwa ang pipino at pinalamig sa refrigerator maaari itong gamitin sa mata upang mawala ang mga eye bugs.
Ang patatas naman ay mabisang panlunas sa ilang karamdaman. Ginagawa itong plaster sa nasugatang balat. Ihaplos ang ginayat na patatas sa parte ng katawang nangangati at may pantal likha ng kagat ng mga lamok at langgam. Gamot din ito sa rayuma at maging sa mga may tumor.
Hindi lamang Vitamin C ang nakukuha sa pagkain ng mga citrus fruits na tulad ng dalandan at kalamansi. Ang mga ito rin ay may carotenoids at fiber notably pectin na nagpapababa ng cholesterol.