^

PSN Opinyon

Dagdag kaalaman

-
Naisulat ko na noon, ang tungkol sa kahalagahan ng kangkong ngunit may gusto akong idagdag. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, napakayaman ng kangkong sa Vitamin A. Ang iba pang sangkap ng kangkong ay sodium, phosphorus, calcium, ascorbic acid at meron ding halong protein, fats and carbohydrates. Ang kangkong na dati’y pagkain lamang sa mahihirap ay inihain na rin sa mga restawran at mga 5-star hotels.

Alam n’yo ba na ang patola bukod sa masarap ihalo sa nilulutong ulam ay gamot din sa diabetes? Ang mainit na katas nito ay gamot din sa infection ng uterus.

Alam n’yo ba na ang pipino bukod sa masustansyang pagkain ay ginagamit na pampaganda? Ang katas ng pipino ay inihahalo sa tubig na pampaligo para gumanda ang kutis. Ginagamit din itong panlinis sa mga galos sa balat. Kapag hiniwa ang pipino at pinalamig sa refrigerator maaari itong gamitin sa mata upang mawala ang mga eye bugs.

Ang patatas naman ay mabisang panlunas sa ilang karamdaman. Ginagawa itong plaster sa nasugatang balat. Ihaplos ang ginayat na patatas sa parte ng katawang nangangati at may pantal likha ng kagat ng mga lamok at langgam. Gamot din ito sa rayuma at maging sa mga may tumor.

Hindi lamang Vitamin C ang nakukuha sa pagkain ng mga citrus fruits na tulad ng dalandan at kalamansi. Ang mga ito rin ay may carotenoids at fiber notably pectin na nagpapababa ng cholesterol.

vuukle comment

ALAM

AYON

FOOD AND NUTRITION RESEARCH INSTITUTE

GAMOT

GINAGAMIT

GINAGAWA

IHAPLOS

VITAMIN A

VITAMIN C

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with