^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag ibasura ang NAMFREL

-
Sa pagbabasura na lamang ba mauuwi ang pagpapakahirap ng National Movement for Free Elections (NAMFREL)? Hindi maikakaila na malaki ang naging papel ng NAMFREL sa tinatamasang kalayaan ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Nang magkaroon ng snap election noong February 7, 1986, ang NAMFREL ang naging mata ng bayan sa pandadayang ginagawa ni Ferdinand Marcos. Matapang na nakipaglaban ang mga NAMFREL volunteers noon para maihayag ang katotohanan ng nakasaad sa balota at nagkaroon ito ng bunga dahil napalayas si Marcos noong February 25, 1986 nang mag-aklas ang taumbayan sa EDSA. Mula noon, ang NAMFREL ay naging bahagi na sa mga idinaos na election at nagpakita ng malaking kakayahan sa operation quick count.

Pero ngayo’y nanganganib mabasura ang accreditation ng NAMFREL sa Commission on Elections at maibigay ang papel nito sa National Press Club (NPC). Ang isang malaking katanungan dito’y may kakayahan ba ang NPC sa pagsabak sa ganitong malaking responsibilidad kumpara sa NAMFREL na malawak na ang makinarya at karanasan sa larangan ng operation quick count. Isang malaking katanungan kung ang ipinakitang kakayahan ng NAMFREL ay matatapatan ng NPC. Inamin naman ng NPC kahapon na bagamat hindi pa sila nakapapasa sa pagsasagawa ng operation quick count, marami na umano ang nagpahayag ng suporta sa kanila at katunayan anila, apat na malalaking radio stations at mga malalaking pahayagan ang nakahandang tumulong sa kanila. Pero sapat na ba ang mga ito upang magtagumpay sa quick count? Hindi kami naniniwala.

Sa aming paniniwala’y mas kailangan ng Commission on Elections ang NAMFREL kaysa sa NPC o sa iba pang grupo sa pagsasagawa ng quick count. Nararapat na pag-isipang mabuti ng Comelec ang magiging desisyon nila sa bibigyan ng accreditation. Hindi dapat mangibabaw ang pulitika sa isyung ito lalo pa’t lumutang ang ilang Oposisyunista at binabato ng putik ang NAMFREL na umano’y sangkot sa dagdag-bawas. Isa sa mga bumabatikos ay si Sen. Juan Ponce Enrile.

Malaking hamon kay Comelec Chairman Alfredo Benipayo ang isyung ito lalo pa’t ilang buwan na lamang ay election na. Makabubuting timbangin ang mga malalaking bagay na nagawa ng NAMFREL sa pamumuno ni Chairman Jose Concepcion. Hindi naman dapat sumuko si Concepcion na ipaglaban ang NAMFREL na mabigyang muli ng accreditation. Hindi siya dapat tumigil.

vuukle comment

CHAIRMAN JOSE CONCEPCION

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

FERDINAND MARCOS

FREE ELECTIONS

JUAN PONCE ENRILE

NAMFREL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with