EDITORYAL - Luluhod ba uli sa 3 oil firms ?
February 21, 2001 | 12:00am
Bago napatalsik si President Estrada ay ilang beses siyang lumuhod at nagmakaawa sa tatlong giant oil companies – Caltex, Petron at Shell para huwag magtaas ang mga ito ng kanilang produkto. Sinunod naman siya kunwari ng tatlong higante subalit pagkaraan lamang ng ilang buwan ay nagtaas din. Ilang beses pang nagtaas hanggang si Estrada na mismo ang sumuko. Wala na aniyang magagawa. Habang nakikipaglokohan si Estrada sa tatlong higante, marami namang taumbayan ang nasisiraan ng bait kung paano maghihigpit ng sinturon dahil sa epekto ng oil increase. Wala namang magawa si dating Energy Secretary Mario Tiaoqui, sa halip ito pa ang naging spokesman ng tatlong higante. Nalulugi umano ang tatlong higante kaya walang magagawa kundi ang magtaas.
Ngayong wala na si Estrada at si Tiaoqui ay ano kaya ang gagawin ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa bantang pagtataas na naman ng tatlong higante ng kanilang produkto. Nagsasawa na ang taumbayan sa walang kuwentang pagluhod ni Estrada na sa dakong huli’y wala ring nangyari. Hindi matatanggap ng taumbayan kung ganito rin ang magiging paraan ni GMA.
Tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) noong Sabado. Tumaas ito ng P16.50 bawat cylinder. Ang presyo na ngayon ng 11-kilogram cylinder ay nagkakahalaga na P265 hanggang P275. Sinabi ng tatlong oil companies na nagtaas sila ng presyo ng LPG sapagkat tumaas din ang international prices nito.
Ito ang unang bagyo ng pagtaas sa administrasyon ni GMA. At tila tahimik ang kanyang pamahalaan sa isyung ito. Habang naghihimutok ang mga mahihirap dahil sa pagtaas ng cooking gas, wala namang ginagawa ang pamahalaan kung paano mapipigil ang pagtaas nito. Wala pa ring hinihirang si GMA na Secretary ng Department of Energy upang makatulong sa paglutas ng problema. Inaasahang magtataas pa ng kanilang produkto ang tatlong higante at siguro’y panahon na rin para mag-isip si GMA ng mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya na hindi na aasa sa langis. Ang pagtuklas sa mga natural gas, pag-tapped sa hydropower at geothermal energy ay mabisang paraan para maiwasan ang pagdepende sa langis.
Nararapat na ring pairalin ng gobyerno ang malawakang pagtitipid sa gasolina. Ang mga sasakyan ng gobyernong malalakas lumaklak ng gasolina ay huwag nang gamitin. Patayin ang mga airconditioner at ilaw na hindi ginagamit. Ang pagtitipid ay hindi naipatupad ng napatalsik na si Estrada at siguro nama’y maipatutupad na ngayon ni GMA. Hindi ka dapat lumuhod sa tatlong higante, Mrs. President.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended