^

PSN Opinyon

Batuhan na ng 'putik' sa Pasay City

-
Nagsimula na ang maruming labanan ng mga political parties sa Pasay City. Ultimong nakokolektang Fire Code Fees ay binibigyan ng kulay at may anomalya raw. Ibinabato ito ng mga kalabang politiko sa kasalukuyang nakapuwesto partikular na sa beteranong city treasurer.

Isa sa mga taong city hall na ginamit ng grupo ay si Lourdes Rafols. Ang nakokolektang P8.7 milyon Fire Code Fees daw ay nawawala kaya ang nangyari tuloy ay kumalat na may anomalya at pinagpipilitang isabwat ang kasalukuyang nakapuwesto sa Pasay City Hall kabilang na si City Treasurer Concepcion Daplas.

Sa mga nakuhang dokumento ng column na ito na may petsang Feb. 14, 2001 mula kay City Accountant Antonio Ragasa, lumalabas na magmula noong Enero hanggang Disyembre 1999 at 2000 ay nakakolekta ang lokal na pamahalaan ng Pasay City ng halagang P12, 270,312.47 at P9,918,157.75 mula sa Fire Code Fees at nai-remit na sa Bureau of Treasury.

Panawagan sa itinayong demolition team laban sa kasalukuyang administrasyon ng Pasay, magsaliksik mula kayo bago tumira dahil sa mahahalata kayong bagito.

Tumbukin na ninyo ang banat at huwag na kayong gumamit ng mga inosenteng tao na walang malay sa ginagawa ninyong maitim na balak sapagkat hindi naman kayo magtatagumpay.
* * *
Isang kaibigan mula sa isang ahensiya ng gobyerno ang humingi ng tulong upang maipanawagan sa mga tao o grupo na may ginintuang puso sa itinatag na Ortho-Pedagogical Institute (OPI) of the Brothers of Charity na matatagpuan sa Pandacan, Maynila.

Ang nasabing eskuwelahan ay naitayo noong 1987 dahil sa paniniwalang malaking tulong para sa mga tinatawag na mentally handicapped na bata subalit sa mga nagdaang panahon ay nagkakaroon ng problemang pananalapi partikular sa pagbabayad sa mga staff na nagtuturo sa mga bata at ang maintenance ng school facilities. Kapag ito hindi naagapan ay posibleng magsara.

Alam na natin marahil ang magiging resulta kapag nagsara ang kanlungan ng mga batang mentally handicapped. Magiging pabigat na naman sa komunidad at pamahalaan lalo na sa ahensyang dating pinamunuan ni President Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa nakalipas na 14 na taon ay matiyagang naitaguyod ang nasabing eskuwelahan ng mga batang mentally handicapped at malaking tulong sa mga magulang ng bata dahil sa kakaibang trato na maging kabahagi ng lipunan.

Sa sinumang nais tumulong sa nasabing eskuwelahan, maaari ninyo itong ipaabot kay Bro. Joel Ponsaran, executive director ng OPI at si Bro. Vic Manuel. SPED-program director na may telephone no. 564-0197 at matatagpuan sa Caritas Compd., Jesus St., Pandacan, Maynila.

BROTHERS OF CHARITY

BUREAU OF TREASURY

CARITAS COMPD

CITY

CITY ACCOUNTANT ANTONIO RAGASA

CITY TREASURER CONCEPCION DAPLAS

FIRE CODE FEES

JESUS ST.

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with