Sex life ng kababaihan

Malaking bagay ang maganda at mahusay na sex life para sa kababaihan. Ilang babae na ang nakapanayam namin ang nagpatunay na importante ang sex life sa kanilang day-to-day living. May nalaman kaming kaso ng ilang babae na nagrereklamo sa sex life nila. May ibang sinisisi ang kanilang pagiging frigid at kawalan ng ganang makipagtalik sa kanilang mga asawa na kadalasan ay nagbubunsod sa kanilang mga mister na maghanap ng ibang kandungan.

Batay sa isang medical study sa Maryland USA ang mga may gynecological problems na dumaan sa ‘‘hysterectomy’’ ay nagkaroon ng better sex after surgery. Nadama nilang sila’y malusog at nawawala ang pag-aagam-agam na sila’y mabubuntis.

Ayon sa study sa mahigit 1,000 babae sa Maryland, 78 porsiyento ay napatunayang sexually active matapos na sila ay magpa-‘‘hysterectomy’’ Matapos ang operasyon, marami ang nagpahayag na hindi na sila nasasaktan kapag nakikipag-sexual intercourse. Nadadama nila ang kanilang orgasm nagiging maalab at talagang nasisiyahan na silang makipagtalik sa kanilang mga asawa.

Show comments