Ipasoli kay MJ ang pera
February 16, 2001 | 12:00am
Nu’ng una, ako ang may masamang kutob kay Justice Sec. Nani Perez. Kasi nga, pino-forcing through niya ang salaysay ni Mark Jimenez para raw patunayang guilty si Joseph Estrada gayong sapat na ang saksi at ebidensiya sa impeachment trial maski wala ang crony na ito.
Ngayon si Perez na ang tila duda kay MJ. Nagbago na ang sipol. Binabalaang magsabi si MJ ng buong katotohanan kundi’y babawiin ang immunity sa kasong plunder. Sa plunder pa naman, walang piyansa, lethal injection ang parusa. ‘‘Aray, aray naku o o…’’
Nakatunog kaya si Perez? Walang laro ’tong si MJ kundi perahan. Pinagkumisyonan nila ni Erap nang bilyun-bilyon ang pagsalya ng pera natin sa SSS at GSIS para bilhin ng First Pacific ang PLDT, at ng Equitable ang PCI Bank. Ngayon binabandera ni MJ na kakanta siya laban kay Erap. Hinala ng mga piskal ni Perez na pinariringgan ni MJ ang First Pacific at Equitable. Baka raw umaawit nang kung magkano, huwag lang niyang idawit sa testimonya ang mga bosing nito. May pahalik-halik pa raw sa singsing ni Cardinal Sin para magmukhang nagsisisi’t magbabago na. Pero baka palabas lang daw ang lahat.
Kung totoong nagsisisi na si MJ, kung talagang magbabago na siya, meron siyang dapat munang gawin: Isoli ang parte niya sa dalawang deal. Ibinunyag ni dating SEC chairman Jun Yasay na kumita si Erap nang P2 bilyon sa First Pacific-PLDT buyout, at P6 bilyon sa Equitable PCI Bank merger. Kung magkano man ang naging balato ni MJ ibalik niya ito sa SSS at GSIS – sa atin. Tapos, itugak niya kung magkano ang napunta kay Erap, para mabawi rin natin.
Itugak din dapat ni MJ ang maruming kinita ni Erap sa tulong niya sa BW Resources ni Dante Tan. At kung ano man din ang ibinalato sa kanya ni Erap, isoli rin. Magkakabukuhan din naman kapag inaresto na at tumestigo pa si Erap.
Kung hindi ito gagawin ni MJ, dapat lang idawit siya sa plunder. Di ba tinawag siyang financial genius ni Erap?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended