^

PSN Opinyon

Awit ng mga anghel

-
Ang mga bata ay inihahalintulad sa anghel. Subalit sa halip na sila’y pangalagaan at mahalin ng kanilang mga magulang inaabuso ang mga ito. Sa murang gulang ay iniaatang sa balikat ng mga ito ang responsibilidad ng isang breadwinner. May mga nagtitinda ng diyaryo at sigarilyo sa daan, sumasabit sa mga dyip at bus at ang iba naman ay pinupunasan ang mga sapatos ng mga pasahero para sa konting barya. Ang gawaing ito ang madalas na maglagay sa kanila sa panganib.

May mga walang pusong magulang na sila pa ang nagpapasok sa anak na maging katulong at ang iba’y para maging child prostitutes. Maraming bata ang inabandona ng kanilang mga magulang ang naging palaboy at pulubi na binibiktima ng mga sindikato. Sila’y ninakawan din ng karapatan para mabuhay ng maayos at malinis gaya ng mga batang namumulot ng basura sa mga dumpsites gaya ng Patayas. Masamang pangitain din ang mga batang nagra-rugby at sugapa sa droga. Kalunos-lunos din ang karanasan ng mga batang biktima ng toxic waste na iniwan ng mga Amerikano sa Clark at Subic.

Mga anghel na binusabos. Mga anghel na pinagkaitan ng pagmamahal at pagpapahalaga. Sila ang nagbigay ng inspirasyon sa awit na ‘‘Ikaw Lamang’’ nina Imelda Papin, Vice-Governor ng Camarines Sur, at Jamby Madrigal. Pareho silang malalapit sa mga bata at pinatunayan nila ito sa mga programang magkatulong nilang inilunsad. Katunayan ay matagumpay ang Kids for Peace na proyekto na inilunsad sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Naging epektibo rin ang proyektong ito noong kasalukuyang krisis sa Mindanao. Sina Imelda at Jamby ay nagsagawa ng radio station tours para impromote ang plakang ‘‘Ikaw Lamang’’ na ang hangarin ay pasiglahin ang programa para sa mga kabataan na pag-asa ng kinabukasan.

AMERIKANO

CAMARINES SUR

IKAW LAMANG

IMELDA PAPIN

JAMBY

JAMBY MADRIGAL

KALUNOS

SILA

SINA IMELDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with