^

PSN Opinyon

Hinawakan sa baywang ng Supervisor

-
Limang taon na akong nagtatrabaho bilang assistant supervisor ng isang computer company dito sa Makati. Nitong nakaraang buwan, nagkaroon ako ng bagong supervisor. Ito ay isang makisig na lalaking may asawa at dalawang anak. Habang lumalakad ang mga araw, napapansin ko na may kakaibang ikinikilos ang aking supervisor. Type yata ako. Ang ginawa ko’y dumistansya sa kanya.

Isang araw, nagkasabay kami sa elevator. Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking baywang at binulungan. "Akong bahala sa promotion mo. Okay ka sa akin."

Pagbukas ng pintuan ng elevator, kaagad akong lumakad papalayo.

Gusto ko po siyang ireklamo sa personnel manager subalit "ka-close" niya ang manager.

Maituturing po bang sexual harassment ang ginawa sa akin ng supervisor sa loob ng elevator.
— Jullie ng Makati City

Hindi. Ang sexual harassment ay isinasagawa ng isang employer, employee, manager, supervisor, agent of the employer, teacher, professor, instructor, coach, trainor o kahit sinong tao na mayroong authority, influence o moral ascendancy sa isang tao na may kinalaman sa trabaho, pagsasanay, edukasyon, na nag-demand, humingi o humiling ng sekswal na pabor, kahit na ito ay hindi pinagbigyan ng hinihingan ng pabor.

Ang nangyari sa iyo ay hindi pa maisakonkreto kung ang paghawak sa baywang ay nagpapahiwatig ng sekswal na pabor. Kaya’t hindi ito maisasailalim sa kahulugan ng sexual harassment.

AKONG

HABANG

INILAGAY

ISANG

JULLIE

KAYA

LIMANG

MAITUTURING

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with