ORA MISMO - Dumarating na turista ginagawang 'aso' sa NAIA
February 13, 2001 | 12:00am
Hawak pala ng mga tauhan ni WPD Traffic Bureau Chief Supt. Roberto dela Rosa ang kanilang mga bayag kasi mabilis na inaksyunan ng mga ito ang isang bulok na sasakyan na sinasabing pag-aari ng isang "hao siao" na reporter.
Matagal na itong inireklamo ng mga residente ng Alunan St., Malate, Maynila pero walang may lakas ng loob na hilahin ito kahit na ang mga barangay.
Bilib ang mga residente sa grupo ni WPD Chief Inspector Benjamin Cosme, SPO2 Daniel dela Cruz at PO3 Ruben Cosme sa ipinakitang mabilis na aksyon. Mabuhay kayo!
Wala na sa NAIA itong abusadong si Inspector Jovit Moya matapos mairita ang ilang matataas na opisyal nito sa PNP Aviation Security Group noong Pebrero 7. Hinugot ito sa opisina ni MIAA general manager Ed Manda para ilipat daw sa Presidential Security Group (PSG) sa Malacañang.
Mismong PSG pala ang nagbigay kay Manda ng security aide sa katauhan ni Moya kaya lang masyado itong naging abusado nang makapatong sa kalabaw. Akala niya "baka" siya, este, kalabaw pala.
Payo ng mga kuwago ng Ora Mismo kay Moya: Pagbutihan mo bata, marami ka pang mararating kaya pigilan mong lumaki ang iyong ulo para hindi ka maging abusado.
Para kay GM Manda dapat sigurong i-monitor nito ang mga bastos na rent-a-car solicitors diyan sa arrival-lobby ng terminal 1 airport. Mga bastos ang mga ito at ginagawang aso ang mga turistang dumarating sa bansa.
Sitsit aso kung tawagin nila ang mga turista at mistulang palengke ang terminal 1 ng NAIA kapag dumarating ang Saudia Airlines, Japan Airlines at iba pang mga eroplano sa nasabing lugar.
Ang alam ko, dalawang tao lamang ang dapat nasa loob ng rent-a-car booth at hindi puwedeng mag-facilitate o tumawag ng mga turistang gustong sumakay o umarkila ng kanilang mga sasakyan.
"Tatlong istorya ang nagawa ni Chief Kuwago ngayon. Bakit kaya?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Sa dami ng sulat na natatanggap nito at reklamo kulang sa space." sagot ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
"Siguro aaksyunan agad ni GM Manda ang sumbong ng kuwago."
"Tiyak iyon!"
"Paano?"
"Action man si GM."
Matagal na itong inireklamo ng mga residente ng Alunan St., Malate, Maynila pero walang may lakas ng loob na hilahin ito kahit na ang mga barangay.
Bilib ang mga residente sa grupo ni WPD Chief Inspector Benjamin Cosme, SPO2 Daniel dela Cruz at PO3 Ruben Cosme sa ipinakitang mabilis na aksyon. Mabuhay kayo!
Mismong PSG pala ang nagbigay kay Manda ng security aide sa katauhan ni Moya kaya lang masyado itong naging abusado nang makapatong sa kalabaw. Akala niya "baka" siya, este, kalabaw pala.
Payo ng mga kuwago ng Ora Mismo kay Moya: Pagbutihan mo bata, marami ka pang mararating kaya pigilan mong lumaki ang iyong ulo para hindi ka maging abusado.
Sitsit aso kung tawagin nila ang mga turista at mistulang palengke ang terminal 1 ng NAIA kapag dumarating ang Saudia Airlines, Japan Airlines at iba pang mga eroplano sa nasabing lugar.
Ang alam ko, dalawang tao lamang ang dapat nasa loob ng rent-a-car booth at hindi puwedeng mag-facilitate o tumawag ng mga turistang gustong sumakay o umarkila ng kanilang mga sasakyan.
"Tatlong istorya ang nagawa ni Chief Kuwago ngayon. Bakit kaya?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Sa dami ng sulat na natatanggap nito at reklamo kulang sa space." sagot ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
"Siguro aaksyunan agad ni GM Manda ang sumbong ng kuwago."
"Tiyak iyon!"
"Paano?"
"Action man si GM."
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest