Karanasan kay Erap hindi dapat kalimutan
February 11, 2001 | 12:00am
Marami ang naniniwala sa kapasidad ni President Gloria Macapagal-Arroyo na maibabangon ang ekonomiya ng bansa. Sa paghirang niya ng mga bagong miyembro ng Gabinete, inaasahang ang mga itoy mamumuno at magpapatakbo ng maayos. Hindi sila magiging ganid at tuso. Hindi rin pansarili kundi kapakanan ng bayan ang prayoridad. Dapat na pag-ibayuhin ng administrasyong ito ang peace and order programs lalo na ang kampanya laban sa droga. Sinabi ni GMA na ang moralidad, integridad, respeto at katapatan ang dapat taglayin ng mga manunungkulan na magsisilbing huwaran.
Kalabisan nang sabihin na ang bumagsak na Estrada administrasyon ay nawalan ng moralidad at iba pang values. Isinigaw ng socio-civic leader na si Charito Planas sa EDSA People Power 2 na si Erap ay sugarol, lasenggo, babaero at maraming katiwalian sa pamamalakad ng bansa.
Magsilbing aral nawa ang mga nangyari kay Erap sa mga opisyal ng bagong administrasyon. Kapag silay gumawa ng katiwalian at pagtataksil sa bayan, ang mga mamamayan ang uusig sa kanila. Harinawang huwag na tayong magkaroon muli ng People Power at ang katiwasayan, kasaganaan at kaligayahan ang maghari sa ating bayan na batid nating mahal ng Panginoong Diyos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended