Buong mundo laban sa cancer
February 11, 2001 | 12:00am
Ang "World Cancer Day" ay ginunita noong Linggo (February 4). Itinatag ito ng World Summit Against Cancer for the New Millineum sa pamamagitan ng Charter of Paris Against Cancer. Ito ay malawakan at pandaigdigang pagkakaisa upang labanan ang cancer. Isang pagpapatunay na hindi makakaya ng bawat isang bansa ang paglaban sa cancer kaya nararapat ang pagtutulung-tulong sa makabagong pagsasaliksik, pagtataguyod, pag-iwas at paggamot dito upang maisalba ang buhay ng tao. Bawat isa ay naghahangad na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga mananaliksik, doktor, pasyente, gobyerno, industriya at maging ng media, maraming buhay ang maisasalba. Inaasahang mawawala na rin ang kamangmangan sa cancer.
Nang idaos ang World Summit Against Cancer, lahat ng participants ay sumang-ayon sa itinatadhana ng Article 25 ng Universal Declaration of Human Rights na nagsasaad na ang lahat ng tao ay may karapatan sa maayos na pamumuhay, kalusugan ng sarili at kanyang pamilya, kasama rin ang tungkol sa pagkain, pananamit, bahay na tirahan at pangangalagang medikal.
Tinataya ng World Health Organization na sa year 2020, may 20 milyong kaso ng cancer ang matutuklasan at 70 porsiyento rito ay mga biktimang nakatira sa bansang mahihirap at walang gaanong resources sa pagkontrol ng cancer. Patunay lamang na kung hindi maiiwasan ang cancer patuloy itong magiging pasanin. May mga cancer na maaaring mapigilan at maiiwasan kung makokontrol ang paggamit ng tobacco, wastong pagkain, impeksiyon at pollution.
Nakikiisa ang Pilipinas sa pandaigdigang pakikipaglaban sa cancer at inaasahang sa darating na panahon, maraming buhay ang maililigtas sa pananalasa nito. Maiiwasan ito sa pamamagitan ng tamang edukasyon, pag-detect sa maagang panahon, pag-iingat, paggamot at pananaliksik. Ang kalidad ng buhay ay tataas at wala nang magdaranas ng hirap.
Magdaraos ngayong araw na ito ng free medical and surgical clinic ang Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon para sa kanilang mga kapuspalad na miyembro. Gagawin ito sa FPJ compound sa Del Monte Ave., Quezon City mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon, ayon kay German Moreno, president ng nasabing organisasyon.
Ang medical team ay pamumunuan ni Dr. Ma. Alicia M. Lim, Director ng Jose Reyes Memorial Medical Center kasama sina Drs. Maria Fe M. Perez, Mercedes B. Beloso, Ariel Santos, Bon Razeac Jara, Manuel Pocsidio, Kathryn Tingkingco, Precy Gomez, Aidy Clemente, Anthony Ortiz, Dennis Joseph Banzon at Minnie Uy. Katulong nila ang Chief Nurse na si Elsie I. Sarabia at kasama sina Beatriz Sawal, Nilo C. Tiburan at Natividad R. Sarmiento.
Ang iba pang doktor na tutulong ay sina Drs. Primo Brillantes, Gerry Domingo, John Nite, John Stewart, Greg Ocampo, Celia Anatalio at Jun Elicaño. Maliban sa surgical at medical services, magkakaroon din ng OB-Gyn, EENT at Pediatrics clinics. Magkakaroon din ng laboratory examinations tulad ng blood typing na isasagawa ng mga medical technologist na sina Leonarda Perpetua Galang, Irene Salaya, Norma Manabat katulong ang mga internist na sina Reagan Tan, Wynndyll Moscosa at Paul Joseph Bacolod.
Magkakaroon ng Grand Alumni homecoming ang UST High School sa February 24, 2001 sa Manila Hotel. Inaanyayahan ang lahat lalo na ang mga graduates ng Class 1951, 1956, 1962, 1967, 1971, 1976. Para sa iba pang detalye, tawagan si Ana Poco sa telephone nos. 631-7587 at 631-8210 o mag-e-mail at [email protected].
Nang idaos ang World Summit Against Cancer, lahat ng participants ay sumang-ayon sa itinatadhana ng Article 25 ng Universal Declaration of Human Rights na nagsasaad na ang lahat ng tao ay may karapatan sa maayos na pamumuhay, kalusugan ng sarili at kanyang pamilya, kasama rin ang tungkol sa pagkain, pananamit, bahay na tirahan at pangangalagang medikal.
Tinataya ng World Health Organization na sa year 2020, may 20 milyong kaso ng cancer ang matutuklasan at 70 porsiyento rito ay mga biktimang nakatira sa bansang mahihirap at walang gaanong resources sa pagkontrol ng cancer. Patunay lamang na kung hindi maiiwasan ang cancer patuloy itong magiging pasanin. May mga cancer na maaaring mapigilan at maiiwasan kung makokontrol ang paggamit ng tobacco, wastong pagkain, impeksiyon at pollution.
Nakikiisa ang Pilipinas sa pandaigdigang pakikipaglaban sa cancer at inaasahang sa darating na panahon, maraming buhay ang maililigtas sa pananalasa nito. Maiiwasan ito sa pamamagitan ng tamang edukasyon, pag-detect sa maagang panahon, pag-iingat, paggamot at pananaliksik. Ang kalidad ng buhay ay tataas at wala nang magdaranas ng hirap.
Ang medical team ay pamumunuan ni Dr. Ma. Alicia M. Lim, Director ng Jose Reyes Memorial Medical Center kasama sina Drs. Maria Fe M. Perez, Mercedes B. Beloso, Ariel Santos, Bon Razeac Jara, Manuel Pocsidio, Kathryn Tingkingco, Precy Gomez, Aidy Clemente, Anthony Ortiz, Dennis Joseph Banzon at Minnie Uy. Katulong nila ang Chief Nurse na si Elsie I. Sarabia at kasama sina Beatriz Sawal, Nilo C. Tiburan at Natividad R. Sarmiento.
Ang iba pang doktor na tutulong ay sina Drs. Primo Brillantes, Gerry Domingo, John Nite, John Stewart, Greg Ocampo, Celia Anatalio at Jun Elicaño. Maliban sa surgical at medical services, magkakaroon din ng OB-Gyn, EENT at Pediatrics clinics. Magkakaroon din ng laboratory examinations tulad ng blood typing na isasagawa ng mga medical technologist na sina Leonarda Perpetua Galang, Irene Salaya, Norma Manabat katulong ang mga internist na sina Reagan Tan, Wynndyll Moscosa at Paul Joseph Bacolod.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am