Dapat magpaliwanag si CB Gov. Buenaventura
February 9, 2001 | 12:00am
Muling nadawit ang pangalan ni Central Bank Governor Rafael Buenaventura sa pagsasara ng Urban Bank. Ayon kina Reps. Joker Arroyo at Oscar Moreno naitiktik diumano ni Buenaventura kay dating President Estrada ang pagsasara ng Urban Bank kung kaya nailabas nito ang P143 milyon mula rito. Sina Buenaventura at Estrada ay naging magkaklase sa Ateneo. Bagaman itinanggi ni Buenaventura ang bagay na ito, malaki ang epekto nito sa industriya ng banko at pananalapi. Tama ang panawagan nina Arroyo at Moreno sa pagbibitiw ni Buenaventura. Nawala na ang moral authority ni Buenaventura na pamunuan ang BSP. Ayon kay Moreno, usap-usapan sa industriya na naisara ang Urban Bank upang ito ay mailagay sa receivership at maibenta sa isang bankong kontrolado ni Estrada.
Matatandaang tumayo ako sa Kongreso noong nakaraang taon upang isiwalat ang napakabilis na aksyon ng Central Bank upang ipasara ang Urban Bank. Isang araw lamang ang naging pag-aaral ng Central Bank at isinara na ito.
Kung totoo na nabigyan ng impormasyon si Estrada sa pagsasara ng Urban Bank at nailabas nito ang P143 milyon, paano naman ang mga maliliit na negosyante at mga taong nag-iipon ng kanilang pinaghirapan sa Urban Bank na hindi na nakapaglabas ng kanilang pera? Hindi biro ang pagsasara sa isang banko, hindi lamang sa epekto nito sa mga nagdedeposito kundi ang pangkalahatang epekto nito sa ekonomiya.
Sa harap ng ganitong mga usapin at mabibigat na paratang, ang dignidad at tiwala ng mga tao sa industriya ng banko ay nanganganib. Kung kaya gayon na lamang ang pag-iingat dapat ng Cenral Bank Governor na huwag madawit sa mga isyu upang huwag mabahiran ang integridad ng industriya. Sa harap ng mga paratang na ito, kailangang mabigyan ng pagkakataon si Buenaventura na magpaliwanag at linisin ang kanyang pangalan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended