^

PSN Opinyon

Ang kapatid ko'y na-bagansiya

-
Kapatid ko pong babae ay 18-anyos at isang working student. Sa umaga siya pumapasok at sa gabi naman ay namamasukan bilang waitress.

Isang gabi po, halos pasado alas-12, ay nakasalubong ng aking kapatid ang kanyang mga kaibigan mula sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Minabuti ng apat na magkakaibigan na mag-stand by muna sa isang lugar dahil napasarap ang kanilang kuwentuhan.

Habang nagkakatuwaan ang magkakaibigan, dalawang police car ang lumapit sa kanila at tinanong kung bakit hindi pa sila umuuwi.

Sumagot ang isa niyang kaibigan at sinabing nagkukuwentuhan lamang daw sila. Hindi nakuntento ang mga pulis at hiningan sila ng Identification card. Sa kasawiang- palad, walang dalang I.D. ang magkakaibigan maliban sa perang nakatago sa kani-kanilang mga bulsa. Subalit maliban sa tatlo, kaagad na inilabas ng aking kapatid ang kanyang student I.D.

Subalit hindi nakuntento rito ang mga pulis. Pinagdudahan nila ang magkakaibigan at pilit na ipinasakay ang apat sa patrol car upang kasuhan ng bagansya.

Ano po ba talaga ang batas bagansya? Sinu-sino ba po ang dapat kasuhan ng bagansya? Hinihingan po ng P 6,000 ang aking kapatid bilang piyansa. Makatuwiran po ba ito ? - Noni Buenceseco, Pateros, Metro Manila


Ang bagansya ay ipinagbabawal ng article 202 ng ating batas kriminal. Ito ay ang mga sumusunod: 1.) Ang taong walang hanapbuhay, na mayroon namang pisikal na abilidad na magtrabaho ngunit ayaw mag-trabaho at suportahan ang sarili; 2.) Ang taong nakikitang palaboy-laboy sa mga pampubliko o semi-publikong gusali o lugar o kalsada nang walang pagkukunan ng pagsuporta sa sarili; 3.) Ang tamad at masamang-uri na tao na parating nasa mga casa o mga parating kasama ay mga bugaw o babaing mababa ang lipad; 4.) Kahit sinong hindi kasali sa tatlong naunang kahulugan na nakitang palaboy-laboy sa mga lugar na matao o walang pagmamay-ari ng iba na wala namang legal o justifiable na dahilan.

Ang P6,000 ay masyadong mataas na halaga dahil ang taong nahuli sa krimeng bagansiya ay napaparusahan ng pagkakulong ng 21 hanggang 31 araw o pagmumulta ng hindi hihigit sa P200.

vuukle comment

ANO

HABANG

HINIHINGAN

ISANG

KAHIT

METRO MANILA

NONI BUENCESECO

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with