^

PSN Opinyon

Editoryal - Panahon na para kumilos ang DSWD

-
Isa sa mga nakaligtaan ng gumuhong Estrada administration ay ang kapakanan ng mga batang lansangan. Mula noong 1998 na umupong Presidente si Joseph Estrada ay parang kabuteng sumibol ang mga batang lansangan. Makikita na sila kahit saan. Ginawang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary si Gloria Macapagal-Arroyo (Vice President pa noon) subalit ang problema sa mga batang lansangan ay hindi nagkaroon ng solusyon. Nakasadlak pa rin sa masamang katayuan ang mga bata na ngayo’y hindi lamang ang pamamalimos ang inaatupag kundi ang magpakalulong sa bawal na gamot. Ngayo’y maraming batang lansangan ang natutuyo ang utak dahil sa walang patid na kasisinghot ng rugby. Nagkalat ang mga batang lansangan sa Maynila partikular sa Rizal Avenue (malapit sa Odeon Theatre) at Carriedo; Cubao sa Quezon City, at pinakamarami sa Pasay City.

Nang mag-resign bilang DSWD Sec. si Arroyo pagkaraang mabulgar ang jueteng scandal ni Estrada ay lalo nang nahulog sa kumunoy ang mga batang lansangan. Marami sa kanila ang bumaling sa pagiging snatcher, mandurukot at iba pang masamang gawain. Walang nagawa ang itinalaga ni Estrada na si Sec. Dulce Saguisag para mabawasan ang bilang ng mga batang lansangan. Wala rin namang saysay ang pagtatalaga ni Estrada sa kung sinu-sinong mga advisers na may kinalaman sa kapakanan ng mga bata partikular ang mga kawawang batang lansangan. Maraming pagkakamaling nagawa si Estrada kung ang pag-uusapan ay tungkol sa kapakanan ng mga bata.

May bagong Secretary ang DSWD ngayon at katulad nang malaking pag-asang inaasam kay GMA, ganito rin ang inaasahan kay Corazon Juliano Soliman o ‘‘Dinky.’’ Maraming hindi nagawa si GMA sa DSWD at ganoon din ang pumalit sa kanya, at inaasahan ng taumbayan na malulutas na ang problema ng mga batang lansangan sa ilalim ni Dinky.

Si Dinky na isang lisensiyadong social worker ay nahaharap sa isang mabigat na problema. At marami ang naniniwala na hindi niya tatalikuran ang mga responsibilidad na iniatang ni GMA. Alam na-ming ang puso niya ay nasa social work at alam din naming nang magtungo siya sa EDSA para sa People Power 2, ang hangarin niya ay mabago ang masamang sistema. Ngayon na ang tamang panahon ng pagbabago. Hanguin ang mga batang lansangan sa kumunoy na kinalalagyan at bigyang kalutasan ang kahirapan na matagal nang inaasam.

vuukle comment

BATANG

CORAZON JULIANO SOLIMAN

DULCE SAGUISAG

GINAWANG DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JOSEPH ESTRADA

LANSANGAN

MARAMING

ODEON THEATRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with