^

PSN Opinyon

Bagets nagtanan ng biyuda

-
Ang letter ay galing kay Monette Briones ng Baguio City.

Ang kapatid kong si Jimmy ay 16 years old lamang at fourth year high school. Nakilala po ni Jimmy si Gorgette, 32 years old biyuda at may isang anak. Naging malapit po si Jimmy kay Gorgette at hindi nagtagal, nagkaroon ng relasyon ang dalawa.

Itinago po ni Jimmy ang relasyon nila ni Gorgette sa pangambang hindi ito matatanggap ng aming mga magulang. Hanggang isang araw, nabalitaan ito ng aming tatay. Galit na galit si Tatay.

Alam ni Jimmy ang takbo ng isip ni Tatay kaya itinanan niya si Gorgette. Ikinasal sila ng isang mayor na kamag-anak naman ni Gorgette. Nang bumalik sila sa bahay pagkaraan ng ilang linggo, hindi po pinayagan ni Tatay na magsama ang dalawa. Ikinulong ni Tatay si Jimmy sa kuwarto at hindi pinalabas hanggat hindi ito nangangakong hindi na magpapakita kay Gorgette.

Ayon po kay Tatay, wala raw bisa ang pagpapakasal ni Jimmy dahil menor de edad ito. Wala umanong pahintulot mula sa mga magulang na pumasok sa isang relasyon tulad ng kasal. Tama po ba ito? Maaari bang kasuhan ni Tatay si Gorgette?


Tama. Totoo na walang bisa ang kasal dahil sa probisyon ng Article 35 ng Family Code na nagsasaad na sinuman na nagpakasal na ang edad ay mababa pa sa 18, kahit may komporme ng kanyang mga magulang ay masasabing walang bisa.

Si Jimmy dahil siya ay menor de edad nang maganap ang pagpapakasal, ay puwede ring ipawalang bisa ang kanyang sariling kasal, sa loob ng limang taon pagkatapos niyang tumuntong sa edad na 21. Puwedeng ipawalang bisa ng iyong Tatay ang kasal ni Jimmy bago ito umabot ng age of majority.

ALAM

AYON

BAGUIO CITY

FAMILY CODE

GORGETTE

JIMMY

MONETTE BRIONES

SI JIMMY

TAMA

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with