Pinagpalang lungsod
February 4, 2001 | 12:00am
Iisa ang lungsod na walang basura
kahit sa maliit malaking kalsada;
Ang lungsod na itoy tangit pinagpala
ngayoy tinatawag Lungsod Muntinlupa;
Kahit magtungo ka sa mga barangay,
walang makikitang basura at langaw
Kung may basura man ay nasa lalagyan
walang nakatambak sa kung saan-saan!
Sa mga lugaring may agos ng tubig
kalat na basuray walang mamamasid;
Sa esterot kanal at malaking batis
itoy pinalalim basuray inalis!
Nang aming tanungin ang mga opisyal
kung bakit kay linis ang kanilang bayan?
Sagot ay iisat ang kalinisan daw
una sa programa ng pamahalaan!
Nang ang munisipyo ay aming dalawin,
lahat ay maayos malinis tanawin
mga empleadot may ID pa mandin
nakaunipormet kay ayang malasin!
At ang sabi nila na lahat ng ito
utang kay Fresnedi alkaldeng matino;
Sa kanyang programa na may walong punto
unay kalinisay ang lusog ng tao!
kahit sa maliit malaking kalsada;
Ang lungsod na itoy tangit pinagpala
ngayoy tinatawag Lungsod Muntinlupa;
Kahit magtungo ka sa mga barangay,
walang makikitang basura at langaw
Kung may basura man ay nasa lalagyan
walang nakatambak sa kung saan-saan!
Sa mga lugaring may agos ng tubig
kalat na basuray walang mamamasid;
Sa esterot kanal at malaking batis
itoy pinalalim basuray inalis!
Nang aming tanungin ang mga opisyal
kung bakit kay linis ang kanilang bayan?
Sagot ay iisat ang kalinisan daw
una sa programa ng pamahalaan!
Nang ang munisipyo ay aming dalawin,
lahat ay maayos malinis tanawin
mga empleadot may ID pa mandin
nakaunipormet kay ayang malasin!
At ang sabi nila na lahat ng ito
utang kay Fresnedi alkaldeng matino;
Sa kanyang programa na may walong punto
unay kalinisay ang lusog ng tao!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended