^

PSN Opinyon

Dalangin ng paglaban sa cancer

-
Ginugunita ngayong araw na ito ang ‘‘World Cancer Day." Sa pagkakataong ito hinihiling kong samahan ninyo ako sa isang panalangin para labanan ang cancer.

Aming Diyos, na pinagmulan ng buhay
at tagapagpagaling ng mga maysakit
lumalapit kami sa Iyo nang buong pananalig
at walang hanggang pagtitiwala.

Ang aming kahinaan ay nakapagpapatunay
na wala kaming kakayahang gawin ang lahat
para sa aming sarili.

Kami’y nagdaranas ng mapaminsalang
epekto ng cancer subalit malaki ang aming
paniniwala sa Iyo.

Sinasamba ka namin sa gitna
ng pagsubok na ito sa aming buhay.
alam namin na ang sitwasyong ito ang lubusang
makapaglalapit para lalo Ka naming sambahin.

Kaawaan Mo kami.
Idinadalangin namin ang paggaling sa sakit na ito.
Idinadalangin namin ang lahat ng nangangalaga sa amin, ang mga doktor, ang aming pamilya
at mga kaibigan na gabayan ng
mapagpala Mong mga kamay.

Nawa na ang Iyong dakilang karunungan ay makahanap ng lunas sa mapaminsalang cancer
at amin itong sundan kung paano maiiwasan.
Sa dinaranas namin ngayong sakit at paghihirap
nananatili ang aming pagpupuri at pagsamba
sa Iyong kadakilaan.

Alam naming darating ang araw ng paggaling
at isisigaw namin sa buong mundo
na malaya na sa cancer.

Ang lahat ay makapamumuhay para
magsilbi sa Iyo at sa iba Mo pang nilikha.

Sa pamamagitan ni Jesus na aming Diyos, Amen.

ALAM

AMING

AMING DIYOS

DIYOS

GINUGUNITA

IDINADALANGIN

IYONG

KAAWAAN MO

NAMIN

WORLD CANCER DAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with