^

PSN Opinyon

Ang hirit ni Erap

-
Patuloy pa raw humihirit si ex-President Estrada. Ituloy daw ang impeachment laban sa kanya. Malinaw na feel pa rin ni Erap ang pagiging Presidente. Hindi pa siya kumbinsidong history na siya at ang bagong Presidente’y si Gloria Macapagal-Arroyo.

Para kina Senate President Nene Pimentel at Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr., sarado na ang kaso. Ngunit umapela raw ang dating Presidente sa kanila na ang paglilitis ay muling buksan at tapusin.

Dapat ma-realize ni Estrada na pinatalsik na siya ng milyun-milyong mga taong dumagsa sa lansangan. Hindi niya kailangang mag-resign dahil sinipa siya ng taumbayan mismo. Parang isang empleyado sa opisina na sinipa ng kanyang employer. Hindi ubrang sabihin ng empleyado na empleyado pa rin siya porke hindi siya nag-tender ng letter of resignation.

Puwedeng ituloy ang kaso laban kay Estrada pero hindi na sa impeachment tribunal. Maaaring ituloy ang kaso ngunit hindi na isang kasong politikal kundi kriminal. Sa Criminal Court na ito lilitisin at iyan ang malamang na mangyari. Nauunawaan natin ang mga ipinakikitang resistance ng dating Presidente. Uubusin niya ang kanyang lakas at salapi para hindi matuloy ang pagsasampa ng napakabigat na kasong "plunder" laban sa kanya.

At marami pa naman siyang kakampi na magtatanggol sa kanya. Maging sa loob ng gobyerno ay naririyan pa rin sila. Kaya nga nangangamba ako na ang liderato ni President Arroyo ay patuloy na liligaligin. Patuloy na kukuwestyunin ang legalidad ng kanyang pamumuno. Harinawa na manatiling kakampi ni Mrs. Arroyo ang mga milyun-milyong taong nag-people power para sa kanya.

Panahon na para makatikim ng kaunti man lang ginhawa ang ating bayan at mamamayan.

DAPAT

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

MRS. ARROYO

PATULOY

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENT ESTRADA

SA CRIMINAL COURT

SENATE PRESIDENT NENE PIMENTEL

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with