^

PSN Opinyon

Kahina-hinalang kilos

-
Si Minda at Rita ay mga mining engineers. Nag-apply sila sa isang mining company at nag-training ng limang buwan. Pagkatapos ng training, nag-umpisa na silang magtrabaho bilang Geochemical aides. Pagkaraan ng siyam na buwang pagtatrabaho, pinapirma sila sa isang kontrata kung saan nakalahad na isang taon lang ang hangganan ng kanilang paninilbihan at ito’y pansamantala lamang para sa isang proyekto ng kompanya na hindi bahagi ng regular na operasyon nito.

Matapos ang isang taong kontrata, nagpatuloy pa rin silang magtrabaho ng dalawang buwan pa. Pagkaraan nito, sila’y tinanggal na. Kaya nagdemanda ang dalawa. Ilegal daw ang pagkakatanggal sa kanila. Sinabi naman ng kompanya na ito’y hindi ilegal sapagkat isang taon lang ang kanilang kontrata at ito’y natapos na. Bukod dito, sila’y mga project employee lamang at tapos na ang proyekto kaya sila’y maaari nang tanggalin. Tama ba ang kompanya?

Mali.
Nang pinapirma sila sa kontrata, siyam na buwan na silang nagtatrabaho kaya sila’y naging regular na empleyado na sapagkat lampas na ito sa anim na buwan na probationary employment. Ang pagpapapirma sa kanila ng kontratang pansamantala lang ang pagtatrabaho nila at magtatagal lang ito ng isang taon ay kahina-hinala. Ito’y lihim na paraan lang ng kompanya upang labagin ang karapatan ng dalawa bilang regular na empleyado na. Hindi rin project employee ang dalawa sapagkat noong nagsimula sila, hindi ipinabatid sa kanila ang proyektong pagtatrabahuhan nila at kung gaano katagal ang proyektong ito. Matapos lamang ng siyam na buwan noong ito’y ipabatid sa kanila kung kailan nga pinapirma pa sila ng isang kontrata. Regular na empleyado na sina Minda at Rita. Ang pagtanggal sa kanila sa trabaho ay ilegal. Dapat silang ibalik sa puwesto at bayaran ng lahat ng kaukulang suweldo. (Philex Mining vs. NLRC et. al. G.R. No. 125132 August 10, 1999)

BUKOD

DAPAT

ILEGAL

ISANG

MATAPOS

PAGKARAAN

PHILEX MINING

SI MINDA

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with