Ang talinghaga ng kasarian
February 1, 2001 | 12:00am
Ang anak ng magsasaka ay ayaw sa mga gawaing bukid. Dahil matalino ay pinilit matapos ng high school. Madali itong natanggap sa isang grocery sa bayan. Lahat ng gawain ay ginagawa niya sa grocery. Pati pagbubuhat.
Minsan isang buwan ay dumadalaw siya sa nayon dahil gusto niyang makapiling ang kaibigang magsasaka. Mas gusto pa niya itong makita kaysa sa mga magulang.
"Kumusta ang trabaho mo sa grocery?" tanong ng kaibigang magsasaka.
"Mahirap pero okey lang."
"Ano ang plano mo?" tanong ng kaibigan.
Alam mo, matagal ko nang nararamdaman na ako ay isang babae. Kaya magpapaopera ako para palitan ang aking kasarian."
"Wow! Matagal ko na ngang napapansin iyan. Sige, pero ibalita mo sa akin ang mga mangyayari."
Pagkaraan ng isang buwan ay bumalik ang magsasaka sa nayon. Napalitan na ang kanyang kasarian.
"Ano ang pinakamasakit na nangyari sa iyo?" tanong ng magsasakang kaibigan.
"Hulaan mo."
"Ang paghiwa sa iyo ng doktor sa maselan mong parte?"
"Hindi. Hulaan mo pa."
"Ang reaksyon ng iyong mga magulang at mga kamag-anak sa pagpapalit mo ng kasarian?"
"Hindi rin."
"Ang pagtrato sa iyo ng mga kasamahan mo sa grocery?"
"Hindi."
"E ano nga ba?"
"Ang pinakamasakit na nangyari ay ang ginawa sa akin ng may-ari ng grocery. Nang mabalitaan na ako ay babae na binawasan ng kalahati ang suweldo ko."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest