^

PSN Opinyon

Kabayanihan ng DZRJ at Barangay RJ

-
Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang selebrasyon at pagsasaya dahil sa tagumpay ng People Power II sa EDSA na nagpatalsik kay President Joseph Estrada at nagluklok kay Gloria Macapagal-Arroyo bilang ika-14 na Presidente. Hindi magkamayaw sa kaligayahan ang sambayanang Pilipino na para bagang nakaalpas sa matagal na pagkabilanggo.

Kaliwa’t kanan pa rin ang mga masayang pagtitipon upang pasinayaan at magbigay-papuri sa mga lumahok sa EDSA at nakibaka sa rehimeng Estrada. Napakarami ngayon ang nakikinabang at umaasang mabayaran sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanilang mga kahilingan na mailagay sa mga iba’t ibang posisyon sa bagong pamahalaan bilang kabayaran sa kanilang naitulong sa People Power II.

Subalit marami rin ang masama ang loob sapagkat hindi sila kasama sa mga nabiyayaan o napasalamatan man lamang. Ika nga, hindi sila nabalatuhan sa kanilang paglahok sa rebolusyon ng mamamayan. Sila ang mga nagrereklamo at lumalabas ngayon na kaaway ng bagong administrasyon ni GMA.

Dahil sa nasasaksihan kong ito, lalo akong humahanga sa kagitingan at kagandahan ng puso ng mga nakipaglaban sa kabuktutan ng dating Presidente na hanggang sa mga oras na ito ay hindi naghihintay ng kabayaran sa kanilang ginawang pagsasakripisyo at paghihirap. Isa sa mga ito ay ang grupo ni Ramon Jacinto na ginampanan ang pagsisilbi sa bayan ng walang tulong kahit na maiksing may bayad na advertisement man lamang. Sa mga oras na ito ay patuloy pa ring nagsisilbi sa bayan kahit na walang natatanggap ni katiting man lamang na pormal na papuri at pasasalamat sa mga nakinabang sa kanila.

Malamang hindi magiging kalabisang tukuyin ko ang hindi mababayarang kontribusyon ni Ramon Jacinto at ang kanyang mga kasamahan sa DZRJ Radyo Bandido at RJTV 29 sa pagtatagumpay ng People Power II. Saksi ako sa kagitingan at katapangan ng mga taong ito. Sila ay sina Denny Muñoz, Rolly Magat, Bea Jacinto, Andoni Alonzo, Angie dela Cruz at ang mga anchor-announcers na sina Rey Hidalgo Santos, Dante David, Ben at Mila Mueco, Neri Santos, Carmen Ignacio, Waldy Carbonell, Jojo Demitilla at Johnny Midnight. Siyempre, kasama rin dito ang mga production assistants at technical men na katulad nina Bong Mendoza at Jerry Nepomuceno.

Hindi rin maaaring makalimutan ang pambihirang kagitingan ng mga kasapi ng Barangay RJ sa ipinakita nilang gilas at pagpapakasakit nang walang humpay na tumutok sa buong magdamag upang maisiwalat lamang sa pamamagitan ng pagtawag sa DZRJ ang kanilang mainit na pagtutol sa mga masasamang gawain ni Erap. Sa sariling sikap lamang nila naitatag ang Barangay RJ kaya’t wala silang utang na loob kahit kanino man. Lumago sana ang inyong tribo, Mela, Danny, Dindi, Allan, Babes, Lolo Juan, Mavis at marami pang iba.

Kahanga-hanga ang idinulot nilang pambihirang paglilingkod sa bayan. Marahil ay maaari nang taguriang mga bayani ang grupo ni Ramon Jacinto at Barangay RJ sapagkat inilahad nila ang kanilang mga buhay kahit na walang tinatanggap na pinansyal o anumang materyal na kabayaran upang makapagsilbi lamang sa mga kababayan. Tunay kong ipinagkakapuri na mapasama sa mga dakilang Pilipinong ito.

vuukle comment

ANDONI ALONZO

BEA JACINTO

BONG MENDOZA

CARMEN IGNACIO

DANTE DAVID

DENNY MU

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PEOPLE POWER

RAMON JACINTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with