^

PSN Opinyon

Matibay na bakod, mabuting kapitbahay

-
Si Antonio ay pastor sa simbahang Protestante. Matapos ng 12 taong paninilbihan, nahirang siyang pinuno ng distrito ng mga pastor. Nang 28 taon na siyang naninilbihan, nasangkot siya sa dalawang problema — ang pangungolekta ng mga abuloy na ginagawa ng kanyang asawa at ang alitan niya at ng isang pastor tungkol sa utang ng huli na sinisingil niya. Sa alitang ito’y nagkaroon pa ng matinding sigawan ang dalawa at nakasira si Pastor Antonio ng mga gamit sa opisina dahil sa galit.

Inimbestigahan ng simbahan ang pangyayari. Itiniwalag sa pagka-pastor si Antonio dahilsa mis-aproprisasyon ng pondo, pagsira ng tiwala, pabaya sa trabaho at hindi mabuting asal. Idinemanda ni Antonio ang simbahan sa salang illegal dismissal. Nanalo siya sa labor arbiter. Umapela ang simbahan sa NLRC at kinuwestiyon ang hurisdiksyon ng NLRC. Labag daw sa probisyon ng Saligang Batas tungkol sa separation of church and state ang panghimasok ng gobyerno sa kasong ito ng simbahan. Tama ba ang simbahan?

Mali.
Ang separation of church and state ay nagbabawal lang na manghimasok ang Estado sa mga usaping may kinalaman sa pananampalataya ng simbahan at mga miyembro nito tulad ng mga doktrina, pagsamba at pamamahala ng kongregasyon. Halimbawa nito ay ang mga ordinasyon ng mga pastor, pag-ekskomunika sa miyembro, pagbigay ng mga sakramento at iba pang aktibidad tulad nito. Sa kabilang dako, ang kasong ito ay tungkol sa relasyon ng simbahan bilang isang employer at ni Antonio bilang isang empleyado. Si Antonio ay tinanggal lang sa trabaho bilang pastor. Hindi naman siya inekskomunika sa simbahan kaya may hurisdiksyon ang labor arbiter at NLRC na dinggin ang kanyang kaso. Ang katwiran sa ilalim ng separation of church and state ay ang kasabihang "matibay na bakod ay nagbubuo ng mabuting samahan ng magkakapitbahay". (Austria vs. NLRC et. al. G.R. No. 124382 August 16, 1999).

ANTONIO

HALIMBAWA

IDINEMANDA

INIMBESTIGAHAN

PASTOR

PASTOR ANTONIO

SALIGANG BATAS

SI ANTONIO

SIMBAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with