Mga aral ng People Power II
January 29, 2001 | 12:00am
SA kabila ng mga magkakatunggaling ideolohiya, nagkaisa ang mga organisasyon sa iisang layunin, ang patalsikin si dating President Estrada. Ang pagpapakumbaba na hindi isinasantabi ang sariling pananalig ang nagbigkis sa buong mamamayan sa apat na araw na pagtitipon sa EDSA. Ang sariling interes ay isinantabi at ang kapakanan ng bansa ang itinaguyod. Marami ang naliwanagan at nagtaguyod sa kanilang mga sinumpaang tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas.
Marami ang nagsasabing ang People Power II ay gawa ng Diyos. Tunay ngang lahat ay nagtiyaga sa pananalangin upang ang awa at layunin ng Diyos ay makamtan. Hindi nga tayo nabigo at kagaya ng awitin na binigyan ng buhay ni Jaime Rivera, Kung ang lahat ay magpakumbaba at manalangin, pakikinggan tayo ng Panginoon at kaaawaan niya ang ating bansa.
Dito rin natin mapapatunayan na ang pagyakap sa katotohanan, moralidad at hustisya ang naghahari pa rin sa puso ng bawat Pilipino. Sana ang lahat ng ating natutunan ay maiukit sa ating mga puso upang sa mga susunod na panahon bibigyan na natin ng pagpapahalaga ang sagradong karapatan na ibinigay sa atin ng ating Saligang Batas, ang karapatang bumuto.
Ilang buwan na lamang at eleksyon na. Ang mga itinuro sa atin ng EDSA ang gumabay sa ating pagpili ng mga kandidato sa ating pamahalaan. Sa ating mga indibidwal na gawain, suportahan natin ang ating bagong pamahalaan sa ikauunlad ng ating bayan. Ito ang ating responsibilidad sa kapakanan ng susunod na henerasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended