^

PSN Opinyon

Katarunga’y nakamit sa People Power II

-
Pagpupunyagi ng hustisya at katarungan ang ipinamalas ng People Power II. Sa pagkakaisa ng puso at damdamin ng ating mga kababayan, ang kanilang matapang na boses at sigaw ang nagbigay ng kalakasan at kapangyarihan sa ating ipinaglaban. Kagaya ng mga Israelita, sa pamamagitan ng kanilang sama-samang pagsigaw ay gumuho ang pader ng Jericho. Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos, naranasan nila ang kaluwalhatian ng pagtitiwala sa Kanyang kapangyarihan at pangakong ibibigay sa kanila ang pangakong lupa.

Sa EDSA Part II, nakita natin ang pagkakaisa ng politikal na adhikain ng ating mga kababayan, mayaman man o mahirap, matanda man o bata, Katoliko man o Protestante, sakop man ng iba’t ibang ideolohiya. Dito natin nakita na kaya ng bawat Filipino ang magkaisa para sa ikauunlad ng ating bansa. At malaki ang naging bahagi nito ay ang mga kabataan na nagnanais ng bagong administrasyon sa ating pamahalaan.

Hindi pinalampas ng ating mga kabataan ang pagkakataong ito. Umaga hanggang gabi, nanatili silang sumisigaw sa EDSA upang patunayan na ang ating kabataan ay bahagi rin sa kasaysayang ito. Hindi lamang sila nanatiling nabansagang Text generation kundi ginamit nila ang kanilang mga kakayahan at mga cellphones upang iparating sa lahat na kaisa nila ang buong mamamayang Filipino sa raling ito.
* * *
Marami tayong natutunan sa People Power II. Muling nagising ang kaisipan ng mga mamamayan sa ating partisipasyon sa pulitika. Pinatunayan na hindi na biro ang paghalal ng ating mga kandidato sa puwesto. Kinakailangan ng suriing mabuti ang mga kaukulang kuwalipikasyon ng ating mga kandidato. Ang integridad, moralidad at kakayahan ng isang kandidato ay pinahahalagahan na darating na naman ang eleksiyon huwag sana nating ulitin ang maaring kamalian natin noon. (Susundan)

vuukle comment

ATING

DITO

DIYOS

ISRAELITA

KAGAYA

KANYANG

KATOLIKO

KINAKAILANGAN

PEOPLE POWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with