Vic at Alex Yu sumama na kayo kay Erap!
January 21, 2001 | 12:00am
Walang patawad mga mukhang pera talaga.
Ito ang naging reaksiyon ng mga gambling lords sa Metro Manila sa mga kalalakihang nag-ikot sa kani-kanilang puwesto noong kainitan ng EDSA Peoples Power 2 noong Biyernes para mangolekta ng tulong para sa kanilang opisina. Ang mga kalalakihan ay nagpakilalang taga-Task Force Katapat ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ang tinamaan ng taga-DILG ay ang gambling lord na si Val Adriano ng Makati City. Si Adriano, para sa kaalaman ng sambayanan, ay bata ng magkapatid na Vic at Alex Yu, na nasa likod ng naglilipanang bookies ng jai alai sa Metro Manila at masiao operations sa Kabisayaan at Mindanao.
Sa pagkaalam ng aking espiya, malaking pera ang pinakawalan ni Adriano sa mga taga-DILG na pinamumunuan ng isang alyas Billy. Nasaan naman kaya ang partner nitong si Charlie? Kasi kung nasaan si Billy, nandoon si Charlie, anang aking espiya. Kung sabagay, kaya naman ni Adriano na maglabas ng malaking halaga dahil halos lahat ng may pa-bookies ng jai alai sa Metro Manila ay sa kanya nagpapasok ng panabla. Ang ibig kong sabihin kapag may kumbinasyon na malaki ang taya, itong mga gambling lords sa Kamaynilaan ay pinapasa ang malaking bahagi ng naturang taya kay Adriano.
Pero sa sitwasyon ngayon ng bansa, sa tingin ko bilang na ang araw nitong mga Yu brothers, lalo na si Adriano. Sana sumama sila sa pag-alis ni Erap para makaiwas sa galit ng mamamayan na kanilang dinaya. Di ba minamaniobra ng grupo nitong Yu brothers na ang may maliit na taya ang kumbinasyong lalabas sa laban ng jai-alai diyan sa Fronton sa Manila?
Balikan naman natin itong mga DILG operatives. Malaki ang perang nalikom nila sa kanilang ginawa at dapat alamin din natin kung sino ang nag-utos sa kanila para mangolekta. Hindi ako naniniwala na si Interior Secretary Alfredo Lim ang nasa likod ng ilegal na gawain ng kanyang mga tauhan. Ito ay kahit lumalakas araw-araw ang ugong-ugong na tatakbong muli sa pagka-mayor ng Maynila si Lim. Kasama kaya ito sa pagkakalap ng campaign funds ni Lim?
Marami naman ang nagsabi sa akin na maraming gambling lords ang napilitang magbigay ng malaking halaga kay Billy dahil sa takot nilang balikan sila nito. Hindi pa kasi malinaw kung itong si Lim ay mananatili pa sa puwesto kung halimbawang mabago ang liderato ng bansa. Kung hindi man masibak sa puwesto itong mga DILG agents, sigurado akong kawawa itong si Adriano dahil pagsususpetsahan nila itong siyang nag-tip sa akin ng kanilang ginawang pangongolekta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended