Ayon sa oncologist na si Dr. Tranquilino Elicaño Jr. ang sanhi ng leukemia ay genetic and environment tulad ng exposure sa mga chemicals, ibat ibang klase ng virus, radiation at gamot. At sa dahilang ang leukemia ay genetic may pagkakataon na ang sanggol na ipanganganak ay magkaroon nito. Ito ang tinatawag na congenital leukemia.
Kaugnay nito ipinahayag ni Dr. Elicaño na may sakit na nakahahawa sa pamamagitan ng blood transfusion gaya ng Hepatitis B, Hepatitis C, syphilis, HIV at malaria. Para maiwasan ay ipinapayo ni Dr. Elicaño na lahat ng mga blood donors ay dapat na suriing mabuti. Kung mapatunayang positive sila sa mga nabanggit na sakit ay dapat na huwag hayaang makapag-donate sila ng dugo.
Sa kaso naman ng taong masalinan ng dugo na mali sa kanilang blood type, siyay magkakaroon ng acute hemolytic transfusion reaction. Ito ay dulot ng tinatawag na antigen-antibody reaction at makapipinsala sa red blood cells.
Ayon pa kay Dr. Elicaño ang tinatawag na catastrophic events sa medical parlance at magiging dahilan ng kamatayan ay ang bleeding o pagdurugo na mahirap maampat, shock o pagkabigla at kidney failure.
Si Dr. Tranquilino Elicaño Jr. na nagpakadalubhasa bilang oncologist sa London at U.S. ay presidential adviser on Cancer Control, Medical Adviser to the Mayor of Manila, Chairman ng Cancer Foundation of the Philippines at president ng Ramon Magsaysay Memorial Foundation. Ang kanyang Elicaño Cancer Clinic ay nasa 43 E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City. Ang clinic hours niya ay mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali Lunes, Miyerkules at Biyernes. Matatawagan siya sa tel. no. (632)712-0468 at Fax # 6320 732-6854.