^

PSN Opinyon

Revilla family, na-onse kaya ‘bumaligtad’ si Bong

-
Alam n’yo bang na-onse diumano si Sen. Ramon Revilla Sr. kaya bumaligtad sa Oposisyon si Gov. Bong Revilla?

Ayon sa aking bubuwit, hindi umano nasunod ang mga kondisyon na hiniling ni Senator Revilla kay President Estrada ng bumoto ito ng ‘‘no’’ para hindi buksan ang envelope. Na naglalaman ng account ni Jose Velarde.

Ang isa sa kondisyon ay huwag daw maghaharap ng kalaban ni Bong sa gobernatorial race sa Cavite. Ang ikalawa ay huwag namang pahaharapin ng kalaban ni Lani Mercado na kakandidato sa pagka-mayor sa Bacoor Cavite.

Ang lahat ng mga ito ay nabulgar matapos magbotohan sa Senado noong Martes.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nagalit ang pamilya Revilla kay Erap dahil lumitaw na hindi naman pala masusunod ang nasabing kasunduan.

Hindi naman pala pumayag ang Magdalo Party na pinangungunahan pa rin ni dating Cavite Gov. Johnny Remulla. Ang mga Remulla ay sumusuporta kay Erap subalit hindi raw sila maaaring sumuporta sa mga Revilla.

Sinabi ng Magdalo party na ihaharap pa rin nila si Rep. Ayong Malicse laban kay Bong sa pagka-gobernador. Sa kabilang dako, ang kasalukuyang mayor ng Bacoor, Cavite na si Mayor Jessie Castillo ay lalaban naman kay Lani.

Ito ang ipinakakalat ngayon ng Magdalo Party sa Cavite kaya na-imbiyerna diumano ang pamilya Revilla. Kaya pala naiyak si Bong Revilla nang magtalumpati sa EDSA Shrine.

Tiyak na magiging mainit ang labanan sa darating na eleksiyon sa Cavite.

Meron nga kayang eleksiyon? Di ba merong ‘‘Oplan Noel’’ o No Election?
* * *
Dahil sa ganitong political development sa Cavite, napilitan ngayon si Bong na bumaligtad at magtungo sa EDSA kasama ang kanyang misis na si Lani. Dahil sa pagbaligtad ni Bong nagka-iyakan pa sila ng kanyang matalik na kaibigang si San Juan Mayor Jinggoy Estrada.

Ngayong nasa kabilang panig na si Bong at Lani, sila kaya ay sasama rin kina Mayor Vilma Santos ng Lipa City at Nora Aunor na magma-martsa patungong Malacañang?

Sasama rin kaya ang kanyang na-onseng tatay na si Sen. Ramon Revilla at bayaw na si Sen. Robert Joworski.

At sisigaw kaya sila ng ‘‘Erap resign!’’

AYON

AYONG MALICSE

BACOOR CAVITE

BONG REVILLA

CAVITE

ERAP

LANI

MAGDALO PARTY

REVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with