^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng utang

-
Ang magsasaka ay problemadung-problemado at sawang-sawa na sa buhay.

''Magpapakamatay na ako,'' hinagpis niya sa matalik na kaibigan. ''Hindi ko na kaya ang aking mga problema. Puro utang ako. Hanggang leeg! Magpapakamatay ako para matapos na ang lahat.''

''Huwag, pare ko,'' mahinahong payo ng kaibigan. Huwag kang magpapakamatay. May naisip akong paraan. Bibigyan kita ng pampatulog. Magmimistula kang patay. Ibuburol kita at ibabalita kong nagpakamatay ka. Tapos ay bibigyan kita ng gamot na pampagising. Makapupunta ka sa Mindanao para magbagong buhay. Hindi ka kilala roon at wala kang utang kanino man. Ano ang say mo, pare ko?''

''Ang galing! Sige gawin na natin!'' Pasigaw ng magsasaka.

Sa kanyang burol ay nagsidating ang mga pinag-kakautangan. Hindi upang magbigay-galang pero para siguraduhin kung siya nga ay patay na.

Sabi ng unang inutangan, ''Oo, may utang ka ngunit mas mahalagang buhay ka.''

Sabi naman ng ikalawang pinagkakautangan, ''Kung sinabi mo ba sa akin na gipit ka, eh di kinalimutan ko na ang utang mo. Hindi ka dapat nagpakamatay.''

Dumating ang may pinakamalaki niyang inutangan na may hawak na balisong. ''Hindi mo ako madadaya kahit patay ka. Sasaksakin kita sa puso. Bawat libong utang mo ay isang saksak.'' Itinaas nito ang balisong para saksakin ang nasa kabaong.

Ang magsasakang nakaburol ay biglang dumilat at nagsalita, ''Sandali lang! Ang iba ay hindi ko mababa-yaran, pero ikaw ay babayaran ko.''

ANO

BAWAT

BIBIGYAN

DUMATING

HANGGANG

HUWAG

IBUBUROL

MAGPAPAKAMATAY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with