^

PSN Opinyon

Lead poisoning

-
Ang lead ay isang metal na nakapipinsala sa mga bata at mga sanggol.

Ang mga bata ay nalalason ng lead dahil sa mga sumusunod: Kapag nahahawakan at naisusubo nila ang kanilang mga kamay at mga laruan na hindi nila alam na may lead dust. Ang lead paint chips ay galing sa pinturadong dingding. Nakakukuha rin sila kapag kapit nang kapit sila sa mga door knobs. Hindi nila namamalayan na nailalagay o nagiging kontaminado ang kanilang kamay at inihahawak sa kanilang bibig.

Napag-alaman na ang pinaka-common cause ng lead poisoning ang pintura (lead paints) na ginamit noong dekada ’60. Ang uri ng metal na ito ay sumasama rin sa alikabok, usok, lupa, tubig, hangin at sa pagkain.

Ayon sa mga doktor, ang pinakamabisang gamot sa lead poisoning ay ang paghinto ng exposure rito. Ang pag-aallis ng lead sa kapaligiran ay dapat pag-ukulan ng ibayong pansin at aksyon. May mga kaso rin na ang medikasyon ay ginagamit para mapababa ang blood-lead levels.

Ang mga nagdadalang-tao ay dapat na mag-ingat din sa lead poisoning dahil sa maaapektuhan ang sanggol sa kanyang sinapupunan kung siya’y palaging naka-expose sa lead. Ugaliing linisin parati ang kapaligiran at huwag kalimutan na cleanliness is next to Godliness.

AYON

KANILANG

KAPAG

LEAD

NAKAKUKUHA

NAPAG

NILA

POISONING

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with