Ang bawang
January 12, 2001 | 12:00am
Maraming katangiang taglay ang bawang. Napatunayan na mabisa itong panggamot sa ibat ibang sakit. Ang mga eksperto sa medisina ay nagpahayag na ang bawang ay malaking tulong sa mga maysakit sa puso.
Ayon kina Dr. Richard S. Rivlin at Michelle H. Loy ng Memorial Sloan-Kettering Cancer Center at Weilli Medical College of Cornell University sa New York malaki ang tulong ng allium derivatives ng bawang sa pagmamantini ng optimal cardiac function. Ang kanilang review ay nalathala sa Nutrition in Clinical Center ng Tufts University.
Ibinatay ng dalawang doktor ang kanilang napag-alaman sa epekto ng bawang sa tinatawag na risk factors for heart disease. Maraming pag-aaral ang nagpahayag na ang bawang ay pinakamababa ang cholesterol, LDL (bad) cholesterol and blood pressure. Nagagawa rin ng bawang na panipisin ang dugo na nagpapababa sa pagkakaroon ng blood clots and stroke. Ayon pa sa dalawa marami pang pag-aaral at pagsusuri ang dapat na gawin para maeksamen ang structure-function relationships ng ibat ibang allium derivatives ng bawang.
Ang kilalang internist-cardiologist-preventivist na si Dr. Arturo V. Estuita ay malaki rin ang paniniwala sa bisa ng bawang kaugnay ng sakit sa puso. Si Dr. Estuita na nagpasikat ng chelation therapy sa Pilipinas ay nagsabing ang bawang ay maraming sangkap sa pagpapagaling ng maraming sakit.
Ang ating mga ninuno at ang mga Chinese ay naniniwala sa katangiang taglay ng bawang sa paglunas sa ibat ibang klase ng sakit.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest