^

PSN Opinyon

Ebidensiya kay Erap lalong tumitibay

-
Patuloy ang pagsisiwalat ng mga kontrobersyal na ebidensiya laban kay President Estrada. Sa panimula ng Artikulo III na naglalayong akusahan ang Presidente ng Betrayal of Public Trust, sinimulang ibunyag ang mga pangyayaring diumano’y pakikialam nito sa eskandalo ng BW resources. Ipinakita ng witness na si Atty. Ruben Almadro ang kanyang kakayahan, kaalaman at paniniwala sa takbo ng stock exchange sa Philippine Stock Exchange (PSE). Pinabilib ni Almadro ang Korte at pati ang publiko sa malinaw na direct examination ni Atty. Nani Perez. Pati ang depensa ay hindi maka-object sa mga tanong ni Perez.

Sa cross examination naman ng depensa, pinalitaw nito lalo ang katotohanan at nagmistula tuloy itong classroom ng mga law students. Kahit pagbali-baligtarin man ng depensa ang tanong, lalo pa ring pinanindigan nito ang kanyang mga isiniwalat. At sa kahirapan din ng kaunawaan sa operasyon mismo ng stock exchange, pinaikot na lamang ang mga tanong dito.

Upang patibayin ang kanyang testimonya, tinawag ng Prosecution ang dating Presidente ng PSE na si Jose Yulo. Wala pa ring nagawa ang depensa sa mga ipinahayag ni Yulo. Kinumpirma nito ang mga senyales na ginawa ni Estrada sa diumano’y pag-aayos daw ni Yasay kay Tan sa nasabing anomalya.

Hindi pa man nagsasalita si dating Chairman Yasay o tapos ang Artikulo III, napakalinaw na ng pruweba sa maaring paglabag ng Presidente sa nasabing probisyong Konstitusyon.

Lalong sinusubaybayan ng publiko ang paglilitis kay Estrada. Marami pa ring mga pagsisiwalat at ebidensiya ang magdidiin sa kanya. Kayat ang panalangin ng taumbayan sa mga senador ay bigyan sila ng ating Panginoon ng tamang direksyon, kaunawaan, karunungan at pagtataguyod sa katotohanan para sa kapakanan ng ating bansa.

vuukle comment

ALMADRO

ARTIKULO

BETRAYAL OF PUBLIC TRUST

CHAIRMAN YASAY

JOSE YULO

NANI PEREZ

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE

PRESIDENT ESTRADA

RUBEN ALMADRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with