^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng paligsahan

-
Ang Asawa ng magsasaka ay hindi nakapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay. Ganoon man, magaling siyang magkuwenta. Siya ang nagbebenta ng aning gulay ng asawa sa bayan.

Mayroon siyang paraan ng pagsuma na ang ginagamit ay 12 butil ng mais. Batay ang sistema sa ginagamit ng mga Intsik na abakus.

Sa kabila ng kawalan ng pinag-aralan, ang mag-asawa ay may masidhing pangarap sa buhay. Nais nilang makatapos sa college ang limang anak. Kaya ang lahat ng kita sa bukid at gulayan ay iniimpok para sa gastos ng pag-aaral ng mga anak.

Mabuti naman at may hilig sa pag-aaral ang mga anak. Ang panganay ay nakatapos ng engineering.

Isang araw ay nagkatuwaan ang mag-anak. Nagpaligsahan ang anak na engineer at ang mangmang na ina sa pagkuwenta. Ang lalaki ay gagamit ng de-bateryang calculator. Ang ina ay gagamit ng mga butil ng mais.

Ang anak na babae ang gumawa ng problem-solving. Kinuwenta ng anak na engineer ang problema sa calculator. Ang ina ay ginamit ang butil ng mais.

Nang matapos ang paligsahan ay naunang natapos ang anak na engineer. Pero mali ang suma niya sa mga numero.

Ang ina ay nahuli sa pagsuma. Kaya lang ay tama ang kanyang naging resulta.

Sino ang nanalo?

ANAK

ANG ASAWA

BATAY

GANOON

INTSIK

ISANG

KAYA

KINUWENTA

MAYROON

NAGPALIGSAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with