Ayon sa testimonya ni Mrs. Rodenas, nakilala niyang mabuti si Eleuterio Tan, isang diumanong makisig na lalaki na nakakaiwan ng magandang impresyon sa kanya. Pati sila Alma Alfaro at Delia Rajas ay kanyang nakilala sa mahigit tatlong beses bumalik sa bangko. Ang kanilang koneksyon sa kumpanya ni Atong Ang ay nabigyan din ng linaw sa paggamit ng mga nasabi sa kumpanya nitong Power Express. Pinatibay naman ito ng mga tawag mula kay Yolanda Uy na kapamilya ni Atong Ang.
Sa detalyado at malinaw na testimonya, sino pa nga ba ang makakasalungat dito? Ang mga pangyayari ay kasama na sa transaksyon ng bangko na hindi maaring gawa-gawa lamang. Ang bangko pa manding ito ay isang institusyon ng pamahalaan kung saan ang mga manggagawa rito ay sakop ng Civil Service Rules.
Nakakaawa si Mrs. Rodenas sa di makatarungang pagtuturo sa sinasabi ng depensa na Delia Rajas ng oras na iyon. Ngunit makikita sa kanyang mukha na kilala nga niya si Delia Rajas. Ilang ulit na tinanong ni Senadora Legarda na nandoon nga ba si Delia Rajas at ilang ulit pinagtibay naman ni Rodenas na maari niya itong ituro kung ganoon pa rin ang mukha nito, pareho pa rin ng itsura dati. Kinumpirma naman ito ng depensa.
Anong ibig patunayan ng depensa? Ginulo lamang nito ang pagpapalabas ng Delia Rajas na hindi naman ito ang sinasabi ni Rodenas na Delia Rajas.