Mahalagang malaman ang tungkol sa melonoma habang maaga pa sapagkat kapag ito’y malala na ay mahirap nang gamutin. Sinasabi ng mga eksperto sa balat ang melanoma ay lilitaw sa alinmang balat sa katawan. Sa kalalakihan ay malimit itong tumubo sa likod, sa ulo at sa leeg. Sa kababaihan naman ay sa likod at sa binti. Ang melonoma ay iba’t ibang hugis, laki at kulay ay nalalaman sa pamamagitan ng skin biopsy. Tatlong natatanging pangitain ang maobserbahan ng mga pasyente at ng doktor sa melanoma. Ito’y ang mga sumusunod: Asymmetry or an irregular and color within the mole that is variable and very dark.
Nakaaalarma rin ang mga nunal na patuloy na lumalaki, nababago ang hugis at kulay, sobra ang pangangati at dumurugo.
Ang diagnosis ay nakokumpirma matapos ang biopsy sa lahat ng parte ng nunal. Ang biopsy ay isang simpleng outpatient surgical procedure kung saan ang kaunting piraso ng balat ay inieksamen ng microscope at ito ngang microscopic examination na ito ay importante sa pag-alam kung merong melanoma.
Ayon sa mga dalubhasa mas mahirap ang gamutan kung ang melanoma ay kumalat na sa tinatawag na regional lymph nodes. Ang may melanoma ay kinechemotherapy, immunotherapy and combination therapies.