^

PSN Opinyon

Beteranong aktor pinitserahan at pinalayas ng kaibigan ni Erap

-
Alam n’yo bang pinalayas at pinitserahan ang isang beteranong aktor dahil sa pagsasabi nang hindi maganda tungkol kay President Estrada?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kina Mary Leo Macalma,VW Mel Loreto, Melchor Toledo, Cynthia Coronel, Rey Arquiza, Melchor Cariaga at Carlos ‘‘Boy’’ Ang.

Congratulations kay Executive Sec. Edong Angara; Agriculture Sec. Domingo Panganiban at Gen. Tompson Lantion ng PNP Directorate for Research and Development.

Binabati ko rin sina DA Usec. Cristino Collado, Ms. Lenny de Jesus ng HUDC at Assec. Ching Suva ng Malacañang.
* * *
Alam n’yo bang napaka-sensitive pala ngayon ng isang matalik na kaibigan ni Erap?

Ayon sa aking bubuwit, simula nang maisampa ang impeachment complaint laban kay Erap ay naging sensitibo na itong kanyang kaibigan. Mas lalo na nang tumestigo ang isa nilang kumpare at matalik na kaibigan na si Gov. Luis ‘‘Chavit’’ Singson.

Ayon sa aking bubuwit, ang insidenteng ito ay nangyari bago sumapit ang Pasko.

Itong kaibigan ni Erap, bilang kinikilalang ninong ng mga artista ay pinupuntahan pala ng mga kapwa artista at mga stunt men. Mamamasko sila at humihingi ng regalo.

Binigyan naman sila ng tig-iisang sobre. Kung tseke o cash ang laman ay hindi sinabi ng aking bubuwit. Basta ang laman nito ay grasya. Tiyak ’yun.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang natanggap ng beteranong aktor na sobre ay inilagay nito sa bulsa ng kanyang polo shirt. Pagkatapos niyon ay kuwentuhan. Kasama na rin siyempre ang kainan at inuman. Heto na, habang nagkukuwentuhan ay napag-usapan ang impeachment case ni Erap.

Ang sabi nitong beteranong aktor ay mukhang tagilid daw si Erap sa kaso.

Diyos ko ’Day, pagkarinig na pagkarinig nito ay biglang nagpantig ang teynga ng kaibigan ni Erap. Nilapitan nito ang beteranong aktor at pinitserahan. Medyo maliit itong beteranong aktor. Pagpitsera ay nahulog ang sobre sa kanyang bulsa. Pupulutin pa sana niya pero, pinagsabihan siya ng kaibigan ni Erap na ‘‘Lumayas ka na at huwag ka nang magpapakita sa akin dito!

Natameme ang lahat. Walang nagawa ang beteranong aktor kundi ang umalis at iniwan na ang nakasobreng regalo.

Ang beteranong aktor na pinagalitan ng kumpare ni Erap dahil sa pagsasabing tagilid si Erap sa impeachment trial ay si…

Ito ay miyembro ng ‘‘Low Waist Gang’’ noon ni Erap.

Lumalabas din ito sa mga programa sa telebisyon.

Ito ay ex-convict at medyo maliit.

Ito ay si aktor B.L. as in Batang Liit.

vuukle comment

AGRICULTURE SEC

AKTOR

ALAM

AYON

BATANG LIIT

BETERANONG

CHING SUVA

ERAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with