Sa isang paglilitis, kinakailangan ng katahimikan at buong paggalang ng mga manonood sa mga opisyales ng batas. Anumang pagtawa at eskandalo ay mariing pinagbabawal. Kung hindi, contempt of court ang ipapataw sa manonood. Ang layunin nito ay upang ingatan ang pagbibigay ng hustisya at galang sa batas.
Ngunit sa nangyaring insidente, naging mabilis at marahas ang pagpataw na kaparusahan kina Dante Jimenez. Mga pribadong mamamayan lamang sila na nagnanais mapanood ang makasaysayang paglilitis sa bansa maliban kay Jimenez na kilalang nagtataguyod ng kapayapaan at manananggol ng biktima ng karahasan. Hindi man lamang sila binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa nangyari. Mabuti na lamang at nagkaroon ng motion for Reconsideration sa desisyon ng Korte na tuluyan silang pagbabawalang bumalik sa Senado. Ngunit hindi na maibabalik ang anumang nasira sa kanilang dangal at pangalan.