Marahas ang kaparusahan kina Dante Jimenez
January 8, 2001 | 12:00am
Nabigla ang mga nanonood ng impeachment trial nang palabasin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sina Rosanna Forres, Bettina Aboitiz at Dante Jimenez noong Huwebes. Diumanoy tumayo, tinawanan at nagpakita ng kawalan ng respeto ang mga ito laban kay Santiago. Ngunit ayon sa mga testigong katabi ng tatlo, wala namang ganoong kilos at asal ang mga ito noong una pa man silang manood sa trial.
Sa isang paglilitis, kinakailangan ng katahimikan at buong paggalang ng mga manonood sa mga opisyales ng batas. Anumang pagtawa at eskandalo ay mariing pinagbabawal. Kung hindi, contempt of court ang ipapataw sa manonood. Ang layunin nito ay upang ingatan ang pagbibigay ng hustisya at galang sa batas.
Ngunit sa nangyaring insidente, naging mabilis at marahas ang pagpataw na kaparusahan kina Dante Jimenez. Mga pribadong mamamayan lamang sila na nagnanais mapanood ang makasaysayang paglilitis sa bansa maliban kay Jimenez na kilalang nagtataguyod ng kapayapaan at manananggol ng biktima ng karahasan. Hindi man lamang sila binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa nangyari. Mabuti na lamang at nagkaroon ng motion for Reconsideration sa desisyon ng Korte na tuluyan silang pagbabawalang bumalik sa Senado. Ngunit hindi na maibabalik ang anumang nasira sa kanilang dangal at pangalan.
Sa pagpapatuloy ng impeachment trial pinagtibay ng mga opisyales ng SSS at LTO ang mga katauhan ng mga empleyado ni Atong Ang na sina Delia Rajas at Eleuterio Tan. Ang kanilang testimonya ay nagpatibay sa testimonya ni Gov. Chavit Singson at testimonya ni Atty. Padua. Pagpapatunay lamang na nasa tamang direksyon ang prosecution sa pag-akusa kay Presidente Estrada sa mga paglabag nito sa batas.
Sa isang paglilitis, kinakailangan ng katahimikan at buong paggalang ng mga manonood sa mga opisyales ng batas. Anumang pagtawa at eskandalo ay mariing pinagbabawal. Kung hindi, contempt of court ang ipapataw sa manonood. Ang layunin nito ay upang ingatan ang pagbibigay ng hustisya at galang sa batas.
Ngunit sa nangyaring insidente, naging mabilis at marahas ang pagpataw na kaparusahan kina Dante Jimenez. Mga pribadong mamamayan lamang sila na nagnanais mapanood ang makasaysayang paglilitis sa bansa maliban kay Jimenez na kilalang nagtataguyod ng kapayapaan at manananggol ng biktima ng karahasan. Hindi man lamang sila binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa nangyari. Mabuti na lamang at nagkaroon ng motion for Reconsideration sa desisyon ng Korte na tuluyan silang pagbabawalang bumalik sa Senado. Ngunit hindi na maibabalik ang anumang nasira sa kanilang dangal at pangalan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended