PILANTIK - Dumarami ang kalaban
January 7, 2001 | 12:00am
Habang nagtatagal lalong dumarami
Ang mga kalaban nitong presidente,
Sa "impeachment trial" ay maraming saksi’t
Mga ebidens’ya sa lisyang ginawi!
Kaya nagtataka ang mga mamamayan
Bakit ang pangulo’y ayaw pang lumisan?
Kahit anong gawin ng depensa’t laban
Baho ng pangulo ay naglalabasan!
Ngayon lamang yata sa ating historya
Ang lider ng bansa ay kahiya-hiya,
At sukat ba namang sa mga ginawa
Itong sambayanan ang s’yang nadudusta!
Palibhasa tayo’y bansang demokrasya
kahit nagkamali ay nililitis pa,
At ang defense panel ay nagsisikap nga
Na ang presidente’y mapawalang-sala!
Itong sambayanan ngayo’y naghihintay
Sa magiging hatol ng ‘impeachment tribunal,’
Subalit marami ang nagpapalagay
Si Pangulong Erap – nagkamaling tunay!
Sa daigdig natin ay walang perpekto
Nagkakasala rin ang Banal na tao,
Subalit kapagka sumobra ang bisyo
Dapat nang ‘kalusin’ kahit na pangulo!
Ang mga kalaban nitong presidente,
Sa "impeachment trial" ay maraming saksi’t
Mga ebidens’ya sa lisyang ginawi!
Kaya nagtataka ang mga mamamayan
Bakit ang pangulo’y ayaw pang lumisan?
Kahit anong gawin ng depensa’t laban
Baho ng pangulo ay naglalabasan!
Ngayon lamang yata sa ating historya
Ang lider ng bansa ay kahiya-hiya,
At sukat ba namang sa mga ginawa
Itong sambayanan ang s’yang nadudusta!
Palibhasa tayo’y bansang demokrasya
kahit nagkamali ay nililitis pa,
At ang defense panel ay nagsisikap nga
Na ang presidente’y mapawalang-sala!
Itong sambayanan ngayo’y naghihintay
Sa magiging hatol ng ‘impeachment tribunal,’
Subalit marami ang nagpapalagay
Si Pangulong Erap – nagkamaling tunay!
Sa daigdig natin ay walang perpekto
Nagkakasala rin ang Banal na tao,
Subalit kapagka sumobra ang bisyo
Dapat nang ‘kalusin’ kahit na pangulo!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am