Kuratong Baleleng ang mga bombers?
January 7, 2001 | 12:00am
Kung ang mga disgruntled senior at junior officers ng militar at pulisya ang tatanungin, hindi ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), New Peoples Army (NPA) o Abu Sayyaf ang nasa likod ng sunud-sunod na bombings sa Metro Manila noong Sabado kung saan marami ang namatay at nasugatan.
Ayon sa kanila, ang tinutumbok ng kanilang intelligence sources, maging ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP), ay ang remnants of criminal group na Kuratong Baleleng, na sa tingin nlia ay alaga ng grupo ng isang police general.
Kung bakit ayaw maniwala ng mga disgruntled military at police officials sa tinuran ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Panfilo Lacson na komunista at mga Muslims ang nasa likod ng nakarimarim na krimen ay sila lang ang nakakaalam. Pero sa tingin ko dapat ring bigyan pansin ni Lacson itong anggulo ng Kuratong Baleleng para hindi siya maakusahan na may itinatagong sekreto ukol sa mga bombings.
Sinabi ng aking mga nakausap na itong Kuratong Baleleng pala ay nahati sa dalawang grupo. Ang Kuratong Baleleng-A o KB-A ay yaong mga namatay sa kamay ng mga bataan ni Lacson sa Quezon City ilang taon na ang nakaraan. Ang Kuratong Baleleng-B o KB-B naman ay ang natira na siyang sinususpetsahang nasa likod ng bombahan. Ito palang mga KB-B ang naghulog sa mga miyembro ng KB-A, ayon sa mga nakausap ko. Magkamag-anak sila pero dahil lamang sa pera at kapangyarihan, naghulugan din sila at na-neutralize nga ang KB-A.
Bago maganap ng bombahan, itong mga KB-B na nakabase sa Ozamis City ay nakita sa Metro Manila kasabay sa pagkahuli ng dalawang matataas na miyembro ng Abu Sayyaf. Kasalukuyan pang inaabot ng ISAFP kung paano nila isinagawa ang pagbobomba, anang mga nakausap ko.
Apat na miyembro ng KB-B na nakakulong ang kusang pinalaya para sumali sa bombings. Nagtataka ang mga opisyales ng Muntinlupa corrections kung bakit na-pardon sila kahit patong-patong ang krimen na kinasangkutan nila.
Ayon sa aking mga nakausap, kasama pala sa usapan ng pardon ang bombing mission. Sa ngayon, ang KB-B ay nagpapahinga sa probinsiya at tama si General Lacson kung sila ang tinutukoy niyang suspeks na nagtatago lamang sa mga liblib na lugar sa labas ng Metro Manila.
Kaya pala hindi na gumagawa ng kidnaping o bank robbery ang KB-B sa Kamaynilaan dahil kasama ito sa usapan nila ng opisyales ng pulisya. Para may pagkakitaan sila, ibinigay na umano sa kanila ang smuggling operations ng asukal sa kanilang lungga sa Mindanao, anang mga nakausap ko.
Kapag totoo itong mga isiniwalat ng mga disgruntled military at police officials, ibig sabihin nito ay mga fall guys nga ang mga inaresto ng mga suspeks sa bombahan sa isinagawang raid sa Cuiiat, Quezon City noong Huwebes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended