Tililing at katok dahil sa trial
January 6, 2001 | 12:00am
Siguro nga ay kailangan nang matapos ang impeachment trial. Maliban sa pasama nang pasama ang kalagayan ng Pilipinas, naaapektuhan na rin nito ang ilang taong may kinalaman sa trial. Kapansin-pansin na ang pagbabago ng mga gawi, pananalita at aksyon ng mga ito mula nang simulan ang trial.
Noong Huwebes, mukhang bumigay na si Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago. Hindi lamang siya napikon sa kanyang kapwa senator-judge na si Raul Roco kundi pinagbalingan niya ng ngitngit ang tatlong taong nasa gallery. Ayon kay Miriam tiningnan siyang parang naghahamon at nanloloko. Ipinilit ni Miriam na palabasin at huwag na muling payagan pang makabalik ang mga ito habang may trial. Ang tatlong pinalayas ay sina Dante Jimenez ng Volunteers Against Crime and Corruption; Rosanna Fores, anak ni Mercy Tuason at kamag-anak ni Mike Tuason Arroyo na asawa ni Vice President GMA at Betina Aboitiz, barangay council member ng Forbes Park. Sinabi ng mga ito na maghahain sila ng reklamo sa kilala ng taumbayan na may tililing na senadora. Bakit nga ba tililing ang tawag nila?
Nagpakita rin naman ng gilas ang isa pang bumubutas ng silya sa senado na walang iba kundi si Senator-Judge Ramon Revilla. Ipinamalas niya sa national television at ito ay on record din sa Journal ng impeachment trial na naiiba pala siyang magbilang ng pera. Imbes na isa-isa niyang bilangin, kinikilo niya ang pera.
Nagkasayad na rin si Senator-Judge Juan Ponce Enrile. Natatandaan ba ninyo na nagalit si Enrile noong halos ilang linggo pa lamang na nag-uumpisa ang trial nang titigan siya diumano ni Senator-Judge Tito Guingona. Isinigaw niya sa mikropono ang galit sa ginawang pagbulaga sa kanya ni Guingona.
Sana ay matapos na ang trial upang huwag nang dumami ang nagkakaroon ng tililing at katok.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest