PO1 Nelson Gonzales, sakit ng ulo ni Razon
January 5, 2001 | 12:00am
Nakarating sa column na ito ang reklamo ng dalawang pamilya laban kay Police Officer 1 (PO1) Nelson Gonzales ng Western Police District (WPD) Station 4 at kapatid nitong si Ricky. Inireklamo ang dalawa dahil sa panggugulpi at panunutok ng baril sa magkaibigang sina Arnel Lakandula, Jr. at Wilfredo Castro, Jr. noong Disyembre 25 ng madaling araw sa Capulong St., Tondo, Maynila.
Dahil sa unang nagreklamo si Castro, Jr. sa Western Police District (WPD) Headquarters sa ginawang kawalanghiyaan nina PO1 Gonzales at kapatid nitong si Ricky ay inareglo raw sa hindi malamang halaga. Hindi na lang umimik ang pamilya Castro dahil sa takot.
Sa salaysay naman ng pamilya Lakandula, ilang minuto pa lamang nakatayo ang magkaibigan galing sa simbahan sa panulukan ng Capulong at Sto. Nino, Tondo, Maynila at nagkasundong naghuhuntahan nang biglang lapitan at mapagtripan ng senglot na si PO1 Gonzales at tutukan ng baril. Naka-droga pa raw si PO1 Gonzales nang maganap ang pangyayari. Kaya lang daw hindi naiputok ang baril sa magkaibigan ay maraming tao ang nakamasid kaya ang nangyari ay muling isinukbit ang baril at lumayo.
Ang masakit pa nito General Razon, bago mangyari ang panunutok at panggugulpi ay sinampahan pa ng kasong carnapping ni PO1 Gonzales si Arnel na nagresulta upang ito ay makulong ng walong araw sa WPD Station 1 kaya hindi tuloy nakakuha ng exam ang pobreng estudyante sa PCCr.
Sa ikalawang pagkakataon, ang panggugulpi naman kay Arnel ay naganap sa loob ng bahay ng magkapatid na Gonzales makaraang tawagin ang biktima ng kanyang bayaw na si Dante Florencio, ito ay sumunod na pumasok. Subalit ang nangyari ay bugbog-sarado ang inabot ng pobreng bata at babarilin na sana kundi lang inawat ng kasambahay ng mag-utol na Gonzales.
Ayon sa impormasyon natanggap ng column na ito, malimit daw na maglasing ang magkapatid na Gonzales sa kanilang lugar at tinatakot ang mga kapitbahay sa pamamagitan ng baril. Ang masaklap pa, General Razon, may kumakalat na balita sa Capulong St., na ang magkapatid na Gonzales ay miyembro raw ng sindikato na "nagsu-supply ng droga" sa mga kabataan sa nasabing lugar.
General Razon, gumawa ka ng paraan at baka kung ano pang sakit ng ulo ang idulot sa iyo nitong si PO1 Nelson Gonzales.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am