^

PSN Opinyon

Ugaliing magsipilyo ng ngipin

-
Ipinapayo sa mga magulang na ipaalam sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng pag-aalaga ng ngipin. Dapat silang turuan ng ‘‘hygiene’’ at kabilang dito ang pagsisipilyo ng ngipin.

Ayon kay Dr. Joseph Catipon anak ng kilalang ophthalmologist na si Dr. Phoebe Catipon na dapat na ugaliing magsipilyo matapos kumain. Dapat na ang pagsisipilyo ay tumagal ng limang minuto at may tamang paraan dito. Ipinakita ni Dr. Catipon sa aming public service TV show ‘‘Mahal’’ ang tamang paraan ng pagsisipilyo.

Sinabi ni Dr. Catipon na ang tartar ang pinagsisimulan ng pagkasira ng ngipin. Dumarami ito kapag hindi tayo nagsisipilyo. Sinabi rin niya na isa sa mga dahilan ang mabahong hininga ay ang mga sira at bulok na ngipin. Dahilan din ang pustisong matagal nang hindi napapalitan. Ayon sa kanya ang pustiso ay dapat tumagal mula tatlo hanggang anim na taon at depende na rin sa pangangalaga at paglilinis ng sinumang gumagamit ng pustiso.

Ipinaliwanag ni Dr. Catipon na may pagkakataong nakadarama ng pangingilo ng ngipin. Ito’y sa dahilang may sira ang ngipin kaya sumasakit ito lalo na kapag uminom ng malamig na tubig.

Ipinapayo rin ni Dr. Catipon na iwasan ang pag-inom ng softdrinks at pagkain ng matatamis lalo na ang mga candies. Ipinapayo rin niya sa mga babaing buntis na umiinom palagi ng tabletang may calcium at gatas para tumibay ang ngipin ng kanilang anak.

Ipinapayo rin na ugaliing magpatingin sa dentista para masuri at magamot ang sirang ngipin at magamot ang gingivitis o ang pagdurugo ng gilagid. Para sa mga karagdagang kaalaman sa pangangalaga ng ngipin kumunsulta kay Dr. Joseph Catipon. Maaari siyang tawagan sa 817-6721 at 817-6481.

AYON

CATIPON

DAPAT

DR. CATIPON

DR. JOSEPH CATIPON

DR. PHOEBE CATIPON

IPINAPAYO

NGIPIN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with