^

PSN Opinyon

Balik-tanaw sa kasaysayan ng medisina (2)

-
Batay sa mga records sa Egyptian papyrus scrolls na nadiskubre noong 19th century, sinasabing ang mga unang doktor ay labis na nagdedepende sa mga herbal medicines. Naniniwala rin sila sa mga orasyon at incantations upang mapagaling ang mga maysakit.

Nagsimula ang modern medicine noong early 4th century B.C. sa pamamagitan ng Greek physician na si Hippocrates, itinuturing na Father of Medicine. Na-established ni Hippocrates ang foundations ng medical diagnosis base sa karanasan at mga obserbasyon. Ang kanyang mga teoriya o pag-aaral sa medical treatment ay ginagamit sa medical textbooks hanggang noong huling bahagi ng 19th century.

He scorned the notion that people got sick because of retribution from the gods since he believed that every illness or disease originated from a natural cause. He gave physicians the following advice when treating patients: "Life is short and art long; opportunity fleeting; experiment dangerous and judgment difficult." History cannot accurately confirm as to whether the Hippocratic Oath now being taken by physicians was actually written by Hippocrates himself or only named after him. It nevertheless provided a blueprint for medical ethics for more than 2,000 years and is regarded as Hippocrates’ greatest legacy.

Naniniwala ako na ang mga doktor ngayon ay ganap na nalalaman ang Hippocratic Oath at sinusunod ito. Tinutupad nila ang tungkulin at labis ang pagmamalasakit lalo na sa mga kapuspalad na maysakit at nangangailangan ng tulong.

Matagumpay na naidaos ng U.P. High School Class of 1950 ang kanilang Golden Jubilee activities noong Huwebes sa pamamagitan ng isang reunion na ginanap sa Century Park Ballroom. Naging matagumpay ang reunion dahil sa pagsisikap nina Fe Abarquez, Patsy Putong at Delma Dojillo. Labis-labis ang pasasalamat sa kanila ng class. Binigyan ng recognition ang biyuda ng namayapang si Fernando Perez na noong nabubuhay pa ay labis ang pagsisikap upang magkasama-sama ang class ’50. Malaki rin ang tulong na nagawa nina Paking Floro, Nanding Campos at Jun Tengonciang sa tagumpay ng reunion. Dumalo si Atty. Leon Asa, isa sa mga kaklase kong tahimik at pala-aral na ngayon ay konektado sa Laurel Law Office. Nagsidating naman mula sa abroad sina Serge Domondon, Grace Balmaceda, Bert Garcia, Rolando Brual, Anatolio Cruz, Illuminada Gomez Martinez, Roger Austria, Conrado Valdez at Dolly Almazar Somera.

Wishing all our readers and friends a very happy, healthful, peaceful and prosperous New Year!

ANATOLIO CRUZ

BERT GARCIA

CENTURY PARK BALLROOM

CONRADO VALDEZ

DELMA DOJILLO

HIPPOCRATIC OATH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with